mahal mo, mahal ka?
mahal ka, mahal mo?
(your POV, actually akin yan)
Minsan di ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Nagmamahal ako pero di ko alam kung mahal ako. Hindi ko maramdaman yung sinseridad. Hindi ko maramdaman yung security ng relasyon namin. Madalas kaming magkasama, sweet, naglalambingan, ngunit yung fulfillment ng nararamdaman ko ay hindi ko maramdaman. Bakit kaya? Siguro hindi ako sigurado kung mahal nya ba ako.
Saan ko ba ilulugar ang sarili ko? May nag mamahal sa akin. Alam ko, nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid para di maramdaman yoon. Yung pagpaparamdam nya sakin ng damdamin nya. Hindi naman sya kaluluwa pero bakit sya nagpaparamdam?
(my POV)
Huwag kang makasarili.
Huwag puro damdamin mo ang iniisip mo. OMG! hindi ka na nga nya mahal, alam mo yan , pero pinagpipilitan mo pa sarili mo. Gusto mong ikaw lang ang sumaya at gusto mong kapiling sya, iniisip mo ba ang damdamin at sitwasyon nya? Huwag puro sarili bes. Huwag makasarili.
Huwag kang makasarili.
Huwag puro damdamin mo ang iniisip mo. OMG! mahal ka nya, alam mo yan, pinagpipilitan nya ang sarili nya sa'yo. Gusto mong sumaya pero hindi sa piling nya. Ang hard mo bes. Hindi mo na iniisip ang sitwasyon at damdamin nya. Huwag puro sarili bes. Huwag makasarili.
So, paano mo ilulugar ang sarili mo?
Hindi ko rin alam ang isasagot ko eh. Ang alam ko lang dapat hindi puro sarili bes. Paano ka magiging masaya kung may nasasaktan kang iba? Ang sabi nga nila "to love is ti sacrifice ". Paano yun? Kailangan ba nating isakripisyo ang sarili nating kaligayahan sa kapakanan ng minamahal natin? Oo siguro, depende sa hinihingi ng pagkakataon.
Kung mahal mo siya pero di ka naman nya mahal, paano ang gagawin mo?
Kung ako ang nasa ganyang pagkakataon siguro ang gagawin ko ay magiging makasili ako. Gagawin ko ang lahat upang mahalin nya rin ako. Iisipin ko kung paano sya sasaya sa piling ko. Lahat ng maari kong gawin para lang sa ikaliligaya nya ay gagawin ko. Kaya lang natatakot ako na baka dumating ako sa punto na nagmumukhana akong tanga na sunod-sunoran sa kanya. Baka dumating iyong panahon na magmukha na akong martir dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Napaisip tuloy ako (sigh) huwag na nga lang.
Kung mahal ka niya pero 'di mo naman siya mahal, paano ang gagawin mo?
Kung ako ang nasa ganyang kalagayan siguro ay magiging makasarili ako. Sa paanong paraan? Hahayaan ko siyang ibuhos ang atensyon at dadamdamin nya sa akin. 'yung magpapadala ako sa agos ng pagkakataon dahil siya naman ang may gusto nito, pinapasaya ko sya sa paraang alam ko. Ginagawa nya ang lahat upang mahulog ang dadamin ko sa kanya na nagmumukha na siyang tanga at martir sa kasusunod sa lahat ng mga bagay na makapagpapasaya dahil alam kong mahal nya ako. Kaya lang parang ang sama sama ko naman sa ganitong pagkakataon. Napaisip tuloy ako (sigh), huwag na nga lang.
Ang daming dapat isaalang-alang sa pagmamahal. Ang daming dapat pag usapan at talakayin. Pero bakit paulit ulit tayong sumusugal sa pagmamahal? Bakit kahit paulit-ulit tayong nasasaktan at natatakot sa bawat bagong relasyon na pinapasok natin ay hindi tayo tumitigil. Kung tunay ang pagmamahal natin, diba hindi na natin iniisip ang ating sarili? Nandon kasi ang sarap ng pakiramdam. Iyon bang mga pagkakataon na iba ang nagiging disisyon mo sa mga pina-plano mo. Pero sa huli, mas pinili parin nating magmahal.
Salamat sa pagbasa mo.
Ser Jay shares simple stories and lessons for out-of-school youth and adult learners. Dito mo mababasa ang tips, motivation, at personal kwento tungkol sa pag-aaral, buhay, at mga bagay na makakatulong sa araw-araw.
Post you may want to read
-
Cycling enthusiasts are aware that there is a vast choice of cycling equipment to pick from. To figure out what you'll need, you'll...
-
The Benefits of a Successful Investment Investing in stocks is one of the best ways to make the most out of the market. But, there are som...
-
ALS RPL Based Learning Activity Sheets Activity 1 - LS 3 – Mathematical ang Problem Solving Skills
-
Blogging is a perfect way for people to share their thoughts with others. When people blog, it means they keep an updated online journal...
-
Kung gusto mong makipag-ugnayan, maaari mo akong ma-reach sa: 📧 Email: serjay2018@gmail.com O sa aming soical media accounts