Asumero

Asumero? Paano nati I papaliwanag ang salitang ito? Nagiging masama ba ang isang tao kung sya ay magiging ganito? Ito ay aking opinyon lamang. Maaaring may mabanggit akong pananaw na taliwas sa iyo. Kung sa tingin mo sa unang pagbasa palamang ay hindi ka na sang-ayon, maaari ka ng tumigil sa pag babasa. Magkaganon man ay ipagpapatuloy ko ang aking pag-sulat.

Ako ay isang asumero. Gagawin ko ng halimbawa ang aking sarili. Noong unang panahon may isang tao akong nakilala. Sa una ay naiilang pa akong makipag usap sa kanya dahil siguro nga ay bago kaming magkakilala. Habang lumilipas ang mga araw ay unti unti kaming nagkapalagayan ng loob dahilan na rin siguro ng madalas naming pagkikita at pag-uusap. Maganda naman ang ipinapakita kong pah-uugali sa kanya at ganoon din sya sa akin. Hindi ko naman sinasabi ma sa buong panahon na magkasama kami parati ay puro magagandang pangyayri ang nagaganap. May mga pangilan ngilan ding pangyayari na nagtatalo kami sa ilang mga bagay dala marahil ng pagkakaiba ng aming pananaw subalit hindi ito naging hadlang patungo sa maganda naming pagsasamahan.

Ikaw ba bilang tao, hindi ka ba mahuhulog sa isang patibong kung puro mapang-akit ang iyong nakikita? Nakakatawang isipin na ako ay nahulog. Oo, nahulog ako sa kanya. Baliw mang ituring ang ganitong pananaw ngunit naramdaman ko ito. Walang halong kalokohan. Sa ganitong sitwasyon ako naging asumero.

Akala ko, ayos lang. Akala ko, pwede na. Akala ko sapat na ang lahat ng ito upang makamit ko ang isang bagay na iniisip kong kaya nyang ibigay sa akin. Ngunit mali pala. Nakakalungkot lang isipin ma sa lahat ng ginawa mo para maging maayos ang inyong relasyon ay wala lang pala lahat ito sa kanya. Normal lang kung baga. Iyon bang pangkaraniwan na sa kanya lahat ng iyong ginawa dahil siguro marami ng gumawa noon sa kanya. Hindi ka naiiba, hindi naging especial ang lahat ng efforts mo. Kaya sa bandang huli, wala lang, wala lahat, walang pakinabang, walang silbi. sa una, hindi mo naman intensyon na kaya mo ginawa ang lahat ng ito ay upang pasagot mo xa dahil hindi mo ito naiisip. Sa kadalasan lang siguro ng inyong pag-sasama ay unti unting nabubuo sa utak mo ang mga bagay na ganito.

Asumero. Paano ba nagiging ganito ang isang tao? Ito ang ilan sa aking naisip kung paano ako naging asumero.

Sa lahat ng kabutihan na ipinapakita at ibinibigay mo sa kanya, parating mabuti ang kanyang tugon. Kung makagawa ang isa man sa inyo ng pagkakamali, siya ang unang humihingi ng tawad. Iyon bang bago palamang humuhupa ang tensyon sa iyong damdamin ay nauna na sya at humihingi ng paumanhin. Kapagka iniisip mo sya, masaya ka tapos minsan, iniisip mo palang sya, ayan na ang text o chat nya sa messenger. Parati syang nagyayayang lumabas, mamasyal o tumambay lamang na hindi normal dahil ang iba mo ngang kaibigan ay bihirang gawin ito sa iyo.

Ilan lamang sa mga bagay na iniisip ko ang mga nabanggit. Maaari kang magbiga ng iba pa kung paano mo nasasabing asumero ang isang tao.

Basta ako, ayus lang naman sa akin maging asumero, basta hindi nya pagsasamantalahan ang pagiging mabuti ko sa kanya. Kung ayaw nya sa akin, sabihin na nya ng maaga ng sa ganon, kahit madalas kaming magkasama, hindi ko maiisip na higit pa sa magkaibigan ang kaya nyang ibigay sa akin. Ayos lang naman kung ayaw nya eh, basta sabihin nya agad, nang hindi na ako mag isip na may pag-asa pa ako na kaya nyang ibigay ang pag-ibig na higit pa sa pagiging magkaibigan namin.

Nakakalungkot lang dahil nakakaramdam ako ng ganito. Normal lang siguro na masaktan ako sa sarili kong pananaw. Alam ko naman na hindi nya sinadya na saktan ang damdamin ko dahil sa una palamang ay wala naman syang binanggit. Ako lang ito, akin lang ito. At sa huli, ay napatunayan ko na tao ako, may damdamin, na hindi ako manhid at nakadarama ng saya at sakit sa aking buhay na gawa rin naman ng malikot kong pag-iisip.

Salamat sa pagbasa mo😊

April 13, 2016

Nakakatuwang isipin na sa kanilang edad, nais nilang magka sertipiko ng pagkilala.

Karaniwan sa aking mga learners bukod sa may edad na ay mayroon na ring kanikaniyang mga pamilya. Ikinasisiya at ikinagagalak ko na dumaan sila sa aking pagtuturo. Karangalan ko itong matatawag at maaangkin dahil naging isa akong tulay patungo sa kanilang pagkatuto.

Aminin man natin o hindi, kahit na sa ganoong gulang ay marami parin silang mga pangarap sa kanilang sarili, higit sa lahat ay sa kanilang pamilya. May mga bagay parin silang hinahanap hanap marahil ay naligtaan nila noong sila ay nasa edad ng pag-aaral.
Maraming dahilan kung bakit sila huminto sa pag aaral, karaniwan ay isinisisi nila ito sa kahirapan o kakulangang pinansyal. Yaong iba naman ay malayo ang paaralang pang sekondarya. Kinakailangan nilang maglakad ng ilang kilometro at/o sumakay ng bangka upang makatawid mula sa kanilang lugar patungo sa paaralan. Ganito ang mga naging dahilan sa akin ng aking mga mag-aaral noong kami ay bago palamang nag uumpisa sa ALS.

Masisipag pumasok ang aking mga studyante. Masasabi kong marunong talaga sila sa mga aralin. May mga pag-asa pang maiba ang takbo ng buhay kung nanaisin lamang nila at/o bibigyan ng pagkakataon at mga oportunidad. Kaya ako bilang guro nila ay ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang maging bahagi ng kanilang pag-unlad.

 Magkaminsan ay nasasagi sa aking isip ang pagsuko sa layo ng lakarin. Kahit may sarili akong sasakyan ay kinakailangan ko paring lumakad ng higit kumulang isang oras upang marating ko ang brgy. Tamis. Ngunit hindi ako tumigil dahil ang mga estudyante ko ang nagiging dahilan ng aking pag lalakad. Kung sila ay may nais na marating, gusto kong maging bahagi ako ng kanilang buhay. Nais kong makatulong sa kanilang ikauunlad.

Tinutukan ko ang mga araling pang akademiko lalo na nag Engles at Matimatika. Sa dalawang asignatura na ito madalas bumababa ang marka ng aking mga estudyante. Isinasama ko ang ilan pang bahagi ng kanilang kurikulom subalit dito talaga kami madalas nauubusan ng oras. Alam ko namang kulang talaga ang isang araw sa isang linggo upang mapunan at maunawaan nila ng husto ang isang leksyon subalit, ayaw ko namang kunin ang buong linggo nila sapagkat may mga pamilya silang binubuhay, may mga anak na inaalagaan at may tahanang dapat ding pagtuunan ng hustong pangangalaga kung kaya, hindi ko sila inuubliga na ibuhos ang buong oras nila sa pag-aaral. Ngunit sinigurado ko sa kanila na sa tuwing kasama nila ako ay may matututuna sila sa akin.

Ngayon, malapit na kaming matapos sa isang taon ng aming pag-aaral. Nawa ay kalugdan kami ng poong may Lumikha at igawad ang inaasaasam ng aking mga studyante. Nananalig kaming lahat na babasbasan nya ang mga mag-aaral na kukuha ng A&E Test upang maging malinaw ang kanilang gagawin at maipasa nila ang pag susulit.

Untitled February 2016

Vague is clear and timid
Time is kind and pure
Chance is like a wind that blows
And passes as you go

Wish is for a dreamer
Hope is for the brave
Faith is for the strong
Fate is for the one who holds on

-untitled-
Joshzen

Unang subok

May mga bagay na nahihirapan tayong umpisahan. Yung tipong saan at paano natin gagawin ang isang bagay na gusto nating gawin. Sa karanasan ko, oo, mahirap talaga ngunit aminin man natin o hindi, may nais parin tayong baguhin sa ating mga sarili. Ito man ay kulay ng ating buhok o kuko o maging sa ugali o gawi natin.

Ginawa ko ang blog na ito upang itala ang mga bagay na pinaka masaya o pinaka malungkot na nangyari hindi man sa buong araw, linggo, o buwan ng buhay ko upang sa aking pagtanda at mawala ang ibang ala ala ko, may bagay na makapag papaalala sakin sa mga nangyari sa aking nakaraan.

Post you may want to read