Things you can do if you can not leave on line



Some people are now online dependent. Iyong tipong sa buong mag haon, parang hindi mapakali kung di nya ma-check ang facebook, twitter, instagram at iba pang sns account na meron sya. Kahit na pakiramdam nya ay nauumay o nagsasawa na sya sa kanyang nakikita ay hindi nya pa rin mapigilan ang pag titig sa screen ng kanyang gadyet.

Ganyan din ako, madalas nagagalit sakin ang aking asawa dahil mas inuuna ko pa daw ang pagsi-cellphone kesa kausapin sya. Sa aking panànaw ay hindi naman ganun yun, pero yun ang nangyayari.

Hindi lang naman basta facebook ang tinitingnan ko sa aking CP, mas madalas ako sa youtube, nanonood ng kung ano ano. Kung anong bago, kung anong ganap, kung anong pwedeng gawin.

Dahil nga hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na humawak ng CP, may mga natuklasan akong bagay na kapakipakinabang pang gawin sa tulong nito.

1. Ano ano ang mga pinapanood mo sa Youtube? Maaari kang makakuha ng mga bagong recipe sa pag luluto dito o kaya naman ay mas pasarapin pa ang mga lutong alam mo ng gawin. Dito ako nanood ng mga proseso sa paggawa ng aking mga paninda. Kung madalas ka sa youtube, gumawa ka ng youtube account. Kung di mo pa nalalaman ay pwede mong pagkakitaan ang mga videos na i-upload mo dito. May mga policies sila at kung makakapasa ang ginawa mong video ay maaari mo itong ma-monitize.
2. Nobela ka ba kung mag post sa FB timeline mo? Gumawa ka ng blog. May mga free hosting blogsites naman kagaya ng gamit ko. Pwede ring premium ang gamitin mo. Dito mo isulat o i post ang lahat ng nararamdaman mo. Kung nag-aalala ka na baka walang makabasa ng isinulat mo, Maaari mo naman i share ang link sa lahat ng Social Networking Sites (SNS). Sa ganong paraan, mababasa parin eto ng iyong mga friends. Maaari mo rin etong pagkakitaan.
3. Gusto mo ma-inspire mag ipon? May mga fb group na nilikha para ishare at i motivate ka upang makapag ipon. Maaari kang mag-join sa mga ganitong group. Sa ganung paraan, magkakaroon ka ng guide para makapag ipon ng tama.
4. Tutok ka talaga sa fb at wala ka ng ibang makita kundi mga friends mo? Mag like ka ng mga pages na tumatalakay sa mga hilig mo. Sports, cooking, baking, etc.. araw araw or once a week, meron silang mga ipinopost na article/s na maaari pang makadagdag sa iyong kaalalaman.
5. Mag sell online ka. Hindi mo naman kailangan ng malaking puhunan sa online selling. Yung mga kakilala ko, payment first ang ginagawa nila kaya hind na nila kailangan ng puhunan. Effort talaga ang negosyo, para lang mapakinabangan natin ang pagiging screen dependent natin.

Ilan lamang yan sa mga bagay na ginagawa ko kung hawak ko ang aking CP. Hindi naman ako ganun kagaling para maka isip ng content na pwede kong gawin lagi sa aking youtube account kaya wala talaga syang laman. Pero baka ikaw, may mga kakaiba kang alam na pwede mong i share sa youtube.
Hindi rin ako ganun katalino para gumawa ng blog para sa matatalino o scholar. Ang laman ng aking blog ay yung mga bagay lang na naiisip ko sa mga pagkakataon na may nababasa akong articles online. Baka ikaw, mahilig ka bang mag-travel? Pwede mo gawing travel blog, mahilig ka bang kumain? Gumawa ka ng review sa mga kinakainan mo through blogs. Malay mo dumating ang araw, ma-invite ka sa mga resto upang i review ang kanilang services,maaari mo pa itong pagkakitaan.
Oh diba, hindi ka na-disconnect online, umangat pa ang iyong kaalaman..
Sana ay nakatulong ang ilan sa aking mga ginagawa.. 😇

Poem # 2

Grasping horizon
Loosing grip in the situation
Pain is crawling deep with in
And I think I have to give in
An enigma of chaotic overview
Lies beneath, can not be over do
The pain that my heart is suferring
Tears my whole being

Ang Pananaw ko sa RH Law

Sa aking pananaw dapat lang na magkaroon tayo ng ganitong programa. Sumasang-ayon ako dito sapagkat sa panahon ngayon kailangan ng mag-asawa ang pagpaplano sa buhay. Malaking tulong ito sa mga kababaihan tulad ng maiwasan ang pagdami at pagkakasubod-sunod ng mga anak, masusuportahan sa pag-aaral, mabibigyan ng maayos na pananamit, pagkain at pag-aalaga.

Sumasang-ayon ako dito bukod sa mababawasan ang bilang ng aborsyon, mapapangalagaan din ang kalusugan ng isang ina kapag hindi sunod-sunod ang pag-aanak. Nang dahil sa RH Law, nagkakaroon ng agwat ang pag-aanak na dahilan upang manumbalik ang lakas ng isang babae.

Mayroon ding tulong sa ating bansa ang pagsasabatas nito. Natutulungan na mapababa ang pagkakaroon ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ang mga mapupusok na kabataan ay natutulungan din lalo na ang wala pa sa hustong gulang na maagang natangay ng tawag ng laman o sex.


Sanaysay ni

Ginalyn A. Intorva

Ang Mga Pagsubok Sa Buhay

Nang iwan kami ng aking ama ay maliit pa kaming dalawang magkapatid kaya ng mag-asawang muli ang aking ina ay doon na nagsimula ang pagsubok ko sa buhay kasi pinagtrabaho kami ng pangalawa kong tatay pero kahit ganoon ay nakapag-aral naman kami ang kaso mo ay ng mapatay ang pangalawa kong ama, dun na natigil ang pag aaral naming magkapatid kaya napilitan akong pumasok bilang kasambahay.

Nang mag-umpisa na ako sa aking trabaho ay laking malas ko dahila ng tatay ng amo ko ay sobrang bastos at manyakis kaya palagi ko siyang kaaway. Ito rin ang naging dahilan kung bakit ako umalis sa kabila ng pagiging mabait ng amo ko. Kung hindi naman dahil sa ugali ng kanyang ama ay hindi ako aalis  sa kanila. Isang taon din ang inilagi ko sa kanila.

Nang mag-umpisa na muli ako sa aking panibagong trabaho ay napaganda naman ang lagay ko. Napakabait sa akin ng aking amo. pinili ko na ring magtagal doon dahil maganda ang pakikitungo nila sa akin bilang kasambahay nila. doon ko na rin nakilala ang aking napangasawa ngunit hindi ko naman natapos ang aking pag-aaral. kaya ngayon ay nag-enrol ako sa ALS. nananalig ako na sana ay makapasa ako sa gaganaping A&E Test upang kahit paano ay makaangat ako at matuto ng iba pang bagay na kakailanganin ko at ng aking pamilya. iyan ang mga pagsubok sa aking buhay na kailanman ay hindi mo malilimutan.

sanaysay ni:

Anabelle M. Felismina
Elementary Level

Untitled

Minsan kelangan mo ring sumuko. Hindi mo pwedeng ipagpilitan kung ano ang gusto mo. Maninimbang ka sa kung ano ang gusto mo at kung ano ang dapat. Maging masaya habang may nasasaktan o ikaw ang magtiis sa ikaliligaya ng iba. Magparaya sa kapakanan ng nakararami o mabuhay sa pinapangarap mo.

Siguro ay di pa panahon. Ayaw kong maging masaya habang ikaw ay malungkot. Kapiling nga kita ngunit ang puso't diwa mo ay nasa kanya.

Mas nanaisin ko pang magtiis dahil ang pagkakataon ay gagawa ng paraan upang tayong dalawa ay maging isa...

Haiiissssst... :'(

Ang Aking Pamilya


-Jomille A.  C Andrade-

 Iba't-iba ang depinisyon natin ng kayamanan at mga biyaya. Ang depinisyon ko ng kayamanan ay ang aking pamilya. Isang kayamanang hindi naglalaho, nauubos o nananakaw.

Tatlong kaming magkakapatid at maagang naulila sa ama. Dalawang-taong gulang ako noon, mag-aapat na taon ang kuya ko at isang taon ang bunso kong kapatid. Ang nanay ko ang tumayong tatay at nanay sa aming tatlo. Hindi naging madali ang aming kalagayan, habang lumalaki, nakikita ko ang aking nanay na umiiyak na at nahihirapan, subalit hindi siya sumuko, patuloy siyang lumaban para sa amin. Sa tulong ng aming mga butihing tiyuhin at tiyahin naitaguyod kami ng maayos ng aking nanay. Simple lang ang aking pamilya, kapos sa pinansyal ngunit nagtutulungan. Mapagmahal at maunawain ang bawat isa. Naniniwala rin ako na kung hindi ganito ang aking pamilya ay hindi ako magkakaroon ng mabuting asawa, dahil marahil iba ang aking ugali, pananaw at maging aking kilos. Lahat nang kung ano ako ngayon ay dahil meron akong mabuti at mapagmahal na pamilya. Kadena ng mga biyaya ang tawag ko sa aking pamilya. Sila ang nagsisilbi kong inspirasyon sa buhay, sila ang aking lakas maging ang aking takbuhan pag ako ay may problema.... Pahalagahan natin ang ating pamilya at mahalin. Diyos ang nagbigay sa kanila para atin.

Ang Karanasang Hindi ko Malilimutan

Isang eksenang pumapasok na lamang bigla sa iyong kaisipan at bigla mo na lamang mararamdaman ang kasiyahan o di kaya ay kalungkutan. Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang karanasan na hindi natin makakalimutan kailanman. Ito ang aking karanasan. Makinig ka at aking isasalaysay.

Lumaki ako sa isang masaya at hindi masyadong masaganang pamilya ngunit hindi naman mahirap. Natuto akong  makuntento sa kung anong meron ako ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, kinuha niya agad sa amin ang aking ama noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang at pagkalipas ng limang taon ay sumakanilang -buhay naman ang aking ina. Ang pagiging ulila ko ang siyang maituturing kong karanasan na hindi ko makakalimutan.

May iba't- ibang karanasan tayo sa buhay. Mayroong masaya, mayroon din namang malungkot. Ngunit sana, ang mga karanasan nating ito ay magsisilbing gabay at magbigay ng leksyon para sa atin. Magbigay sana ng ibayong lakas para sa atin ang karanasan nating hindi malilimutan.

Sanaysay ni

Bernadette L. Bacong

Mga Balangkas na Maaaring Gawin upang makabuo ng Talata - "TANONG - TANONG"

Kung gagawa ka ng talata o sanaysay ngunit nahihirapan kang bumuo nito, maaari kang gumawa ng balangkas upang maging maayos ang iyong pagsulat. Narito ang isa sa mga balangkas na ginagamit namin tuwing sumusulat kami ng sanaysay.

 TANONG -TANONG

Kung bibigyan ka ng pamagat ng talata, kailangang alam mo ang paksa. Dito ka mag-uumpisa ng pagtatanong at ikaw rin ang sasagot.

Halimbawa

Pamagat : Ang Pagkasira ng Kalikasan

Narito ang maaari mong gawing tanong sa iyong balangkas. Lahat ng tanong mo ay ikaw rin ang sasagot, Maaari mo itong ng sagutin ng isa odalawang pangungusap.

  • Ano ang kalikasan? Ang kalikasan ay pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
  • Ano ang nangyayari sa kalikasan? Nasisira na ito.
  • Bakit nasisira ang kalikasan? Sobrang pagkuha ng likas na yaman.Ginagawang subdibisyon.Ginagawang tapunan ng basura ang ilog at dagat.
  • Ano ang dapat gawin? Ihiwalay at itapon ang mga basura sa tamang tapunan. Lahat ng mapapakinabangan ay i-resiklo.

Ngayon, Maari mo ng isulat ng maayos ang iyong ginawang balangkas. maari mo pa itong madagdagan dahil habang sumusulat ka ay may maidaragdag ka pa. Kakailanganin mong gumamit ng mga pang-ugnay upang maging magkatugma ang bawat pangungusap sa iyong talata.

Narito ang ginawa kong balangkas na isinulat ko ng pa-talata.

Ang Pagkasira ng Kalikasan

Ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng mga tao. Dito natin kinukuha ang ating pagkain sa araw araw, damit na isinusuot, tahanan na ating tinutuluyan at iba pang pangangailangan ng tao. 

Subalit sa hindi tama at mayos na paraan ng pagkuha dito, unti unting nasisira ang ating kalikasan. Nauubos ang mga kagubatan dahil sa pagtatayo ng malalaki at malalawak na subdibisyon. Ang mga ilog at dagat ay ginagawang tapunan ng basura dahilan upang hindi na makapagbigay ng masaganang huli ng mga yamang-tubig. 

Ilan lamang iyan sa aking napupunang pagkasira ng ating kalikasan kung kaya ako bilang isang mamamayan, tutulong ako sa abot ng aking makakaya upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Sa simpleng paghihiwalay at pagtatapon sa tamang lugar ng mga basura ay makakatulong na ako. Ang mga plastic at bote na maaari pang pakinabangan ay aking ire-resiklo. Ilan lamang sa mga bagay na maaari kong maitulong upang hindi na masira ang ating kalikasan sapagkat kung wala ang ating kalikasan ay wala rin tayong ikabubuhay.

Iyan ang isang halimbawa kung paano gamitin ang balangkas na tanong-tanong. Sana ay makatulong ito sa iyo.

Kung nais mo pang mahasa ang iyong kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ay maaari mong panoorin ang video na eto



Maaari kang mag-iwan ng kumento upang lalo pa nating mapag-buti amg pagsulat. Salamt sa iyong pagbasa.

Isang Pakiusap

Marami-rami na rin tayong pinagdaanan. Mga pangarap na binuo, mga lugar na pinuntahan, mga kaibigang nakilala, lahat yon, tayo ay magkasama. Kung iniisip mong di kita inaalagaan, nagkakamali ka, inaalagaan kita sa paraang alam ko. Paumanhin kung naghahanap ka pa, di ko kayang ibigay kung hindi mo naman sasabihin. Sa bawat problemang ating pinagdadaanan, iniisip kong iwanan at palitan ka ngunit di ko ginawa dahil pinahahalagahan kita. Pinahahalagahan ko ang ating pinagsamahan, ang bawat pagsubok na pinag daanan. Hindi kita sinusumbatan kong minsan na maririnig mong nag rereklamo ako. Desisyon kong manatili, desisyon kong huwag kang bitawan.

Subalit bakit parang ikaw ang sumusuko. Parang ikaw ang napapagod. Parang nararamdaman kong iiwan mo na ako. Bakit? Hindi mo na ba kaya? Kailangan mo ba ng pahinga?

 Hangga't naririto ka sa aking piling ay sasamantalahin ko ang pagkakataon. Susulitin ko ang bawat oras na tayo ay magkasama. Susubukan kong ayusin ang kung ano mang nararanasan natin ngayon.

 Isa lang ang pakiusap ko. Huwag mo muna akong iwanan. Huwag ngayon. Huwag na sana.

How to save money while studying

Alam naman nating lahat na mahirap mag aral ngunit mas nakadaragdag ng hirap kung mahirap ka sa financial na pangangailangan. Narito ang ilan sa mga ginawa ko habang nag-aaral ako na nakatulong sa akin maitawid ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo.

1. Bago ka pumasok sa kolehiyo, dapat alam mo na kung ano ang gusto mo hindi yung sa kalagitnaan ng semestre at nahirapan ka ay magbabago ka ng kurso. dapat ay committed tayo sa kung ano man ang naumpisahan natin. sa ganitong paraan, nakatipid na tayo sa panahon, nakatipid pa tayo sa pera. Kung halimbawa ay bigyan ka ng mga magulang mo o ng mga nagpaparal sa iyo ng kursong dapat mong tapusin ngunit hindi mo gusto. Kunin mo ang oportunidad na makapag aral ka. Mahirap mag aral ng walang tutustos sa iyo maliban nalang na anak mayaman ka.

2. May mga allowance na isang beses isang bwan ibinibigay ng ating mga parents. i budget ng mabuti dahil baka kapusin ka. Ang pag bili ng bottled water ay isa sa mga gawi ng kabataan ngayon. maaaring bawasan ang pagbili nito upang mabawasan din ang iyong gastos. tandaan, nag-aaral ka rin kung paano mabuhay ng sapat ang pera dahil kapag may trabaho ka na, lagi k ring mauubusan kung di ka marunong mag budget.

3. May mga scholarship na ini-ooffer ang mga universties at colleges. hanap ka ng akma para sa iyo. Varsity player, resident scholar at student assisstance ay ila lamang sa mga pangkaraniwang tulong mula sa paaralan. Kabawasan na rin ito sa iyong tuition at maaari mo pangbmagastos ang iyong pera sa kapakipakinabang na bagay.

4. uso ang online selling/reselling ngayon. Isip ka lang ng mga bagay na maaari mong i benta sa mga classmates mo. Ako dati nag tinda ako sa loob ng classroom ng mga kukutin tulad ng mani, stick-o, beans, kendi, sandwich, at kung ano ano pa. nakatapos ako ng kolehiyo sa tulong ng aking mga paninda.

Pag- isipang mabuti ang bibilhin. tandaan apat/limang taon ka lang naman mag-titiis ng mga bagay na nais mong bilhin. mag-invest ka muna sa sarili mo dahil habang buhay mo na itong magagamit. huwag mahiya sa ibang tao kung alam mo naman na ang ginagawa mo ay hindi nakasasama sa kanila.

Lagi nating tandaan na bukod sa diskarte, kailangan din nating pagalingin ang ating sarili sa akademiko dahil yan ang sukatan at kalakaran ng industriya na gusto mong tahakin. Sabi nga, hindi mo kasalanang maging mahirap. Pero kung tatanda ka at mamatay ng mahirap ay kasalanan mo na ito. Bakit? Ano ang ginawa mo ng panahong malakas ka?Tayo rin ang magpapaunlad sa ating sarili. wag umasa kahit kaninong pulitiko. At higit sa lahat ay Manalig sa Diyos.

WAYS TO SAVE AS MINIMUM EARNER

"if you can not save 100 from 1000, you cannot save 10000 from 100,000.00"

 Lately ko lang nalaman ang mga paraan upang makaipon buhat ng magkaroon ako ng sariling pamilya. Para bang lahat ng earnings ko, dapat mapunta sa kanila. Ngunit isa lang ako sa mga minimum wage earners at sapat lang ang aking kinikita sa gastusin namin. Pumapasom nalang sa isip ko paano pala kung magkaroon ng emergency? saan ako kukuha ng panggastos? Kaya natuto akong magbasa ng mga articles tungkol sa financial management at nalaman ko na may mga bagay pala akong ginagawa dati pa na paraan ng pag iipon. ang nasa isip ko kasi pag mag iipon ka, dapat malaki, dapat umaabot ng 6 digits.

Narito ang ilan sa mga ginagawa ko para makaipon.

 1. Savings Account. Buhat ng magkatrabaho ako ay nag si-save ako ng 500 twing araw ng sweldo. Lumalaki naman yung savings ko, kaya lang pag nangangailangan ako ay nakukuha ko rin. yan pala yung tinatawag na emergency fund. Di ko alam dati yun.

2. Barya. Aminin natin na parati tayong may barya. ang ginagawa ko, twing may barya ako pag uwi ko ng bahay ay inilalagay ko ito sa drawer. andun lang sya, minsan dba, yung budget natin pang isang bwan ay hindi umaabot? pag wala na akong pamasahe, naiisip ko yung mga barya sa drawer at nakakatulong ito upang umabot hangang sa susunod na sweldo.😅

3. Alkansya. Bukod sa mga barya na nilalagay ko sa drawer, nag huhulog din ako sa alkansya. Ito ay ginagawa ko buong taon buhat ng magka trabaho ako. ang mga naipon ko dito ay ginagamit ko tuwing Christmas party. Parati kasi kaming may Family Reunion kaya yung mga barya ay paagaw ko sa mga bata. Uma-attend din ako ng party ng barangay kay may pag hagis ako sa mga batang nakikisaya doon. Gawi ko na yun at wala akong balak itigil. Sa ganong paraan, nakakapag pasaya ako ng mga bata kahit sa kaunting tulong at oras lang na naibigay ko.

4. Bente Pesos. Meron din akong "twenty peso challenge" sa sarili ko. araw araw ay nag tatabi ako ng 20 pesos at pag naipon ko yun, isinasabay ko sa paghuhulog ko sa aking savings account. yun yung dinudukot ko pag kailangang kailangan.

5. Disiplina sa sarili. Kahit anong laki pa ng kinikita natin o anong sipag natin sa pag iipon, kung wala tayong didiplina sa sarili ay hindi talaga tayo makakaipon. aminado naman ako na hindi ako mayaman "pa" at alam ko rin sa sarili ko na hindi ko pa kayang bilhin ang mga bagay na gusto kong bilhin pero sa mga paraan ko na iyan ay masasabi ko na hindi ako nahihirapang mag budget.

 Sa lahat ng mga natututunan ko sa twing mag babasa ako ng mga articles sa pag hawak ng salapi ay nai-inspire ako na lalo pang mag-ipon para sa aking mag-ina. iyong tipong kahit hindi kami magkaroon ng sariling bahay pa ay hindi kami magugutom. kung magkaroon man ng sakit, ay hindi kami mamomroblema dahil may panggastos kami para dun. at higit sa lahat ay para sa aming anak na maging maalwan ang kanyang pag laki upang mapag-aral ko siya ng maayos.

sana ay nakatulong ang aking sinulat sa iyo. ang pag iipon ko ay hindi pag papayaman. ito ay para lamang sa pantawid kung sakaling ang swledo ko ay malayo pa ang dating. sa mga susunod kong isusulat ay ibabahagi ko kung ano-ano ang mga maliliit na investments ko para pandagdag kita.

Nawawala nga ba ang Pagmamahal?

"Huwag mong intayin na mawala ang pagmamahal ko sa iyo. "

Madalas kong nababasa o naririnig mula sa mga taong nag aalay ng buong pusong pagmamahal sa isang tao subalit wala siyang natatanggap na sukli mula sa taong iyon. Buong puso nga ba ang pagmamahal na iniiaalay niya kung naghihintay siya ng kapalit? Karapat-dapat nga bang pag-alayan ng buong pusong pagmamahal ang isang tao?

Wala namang panuntunan sa pagmamahal. Walang maling tao na dapat pag alayan nito. Basta kusa mo itong mararamdaman. Iyon bang mahirap ipaliwanag.

May mga naisulat na ako mula sa aking karanasan subalit hindi ko alam kung buong puso na ang naibigay ko. Tinatanong ko ang aking sarili na kung buong puso ang naibigay ko,  bakit parang kulang pa? Bakit nabigo pa rin ako? Bakit hindi kami nagtagal?

Nasasaktan nga daw tayo dahil unang una ay umaasa tayo. Umaasa na lahat ng ibinibigay natin ay may matatanggap tayong sukli. Kahit kakarampot lamang.  Ngunit pag wala tayong natanggap ay doon na nadudurog ang ating damdamin. Hindi patas ang labanan. Bakit ganon?

Nagiging linya na ng mga desperado na mawawala ang pagmamahal niya kung patuloy na ito ay ipag wawalang bahala. Ngunit totoo nga bang nawawala ito? Sa tingin ko hindi. Kung nawawala ang nararamdaman mo,  bakit may mga tao ma hindi makabangon mula sa pagkakalugmok ng siya ay iwanan ng kanyang minamahal? Bakit may mga bagay na nagpapaalala parin sa kanya? Bakit kahit lumipas na ang matagal na panahon ay may naiiwan parin sa iyong damdamin dulot niya,  ito man ay pagkagiliw o pagka inis?

Hindi ka maka-move on kasi mahal mo pa siya? Naka-move on kana kasi hindi mo na siya mahal?

Oo,  aminin na natin na may bago kang pag-ibih. Ibig sabihin ba noon ay nawala na ang pagmamahal mo sa kanya? Galit ka ba o masaya tuwing nakikita mo o naaalala mo siya? Kahit alin ang isagot mo diyan,  sa aking pananaw ay hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya. Maaring nagkaroon ka nga ng bago at ito ang pumalit. Pero sa tingin ko ay hindi ito napalitan bagkos ay nahigitan lang nito ang dati mong nadarama. Yaong bakas ng nakaraan ay mananatili na diyan sa iyong puso, hindi mawawala,  hindi mabubura kung hindi ay mahihigatn lamang ng pagmamahal na kasalukuyan mong nararamdaman.

Salamat sa pagbasa mo. Maari kang mag iwan ng kumento kung may maidaragdag k pang saloobin.

Paano Sumulat ng Sanaysay


Bahagi na ng A&E Test ng ALS ang Essay. Dito sinusukat ang kaalaman ng isang test taker kung ano ang nalalaman niya at ang kanyang pananaw sa mga pangunahing usapin na tinatalakay o “current events”.

Sa ilang taon kong pagtuturo sa mga mag-aaral ng ALS, bahagi na ang pagsulat ng sanaysay. Dahil ang essay ay bahagi na ng A&E test ay nararapat lamang na pagtuonan naming ito ng pansin. Sa ilang taon ding ito, may mga naging estudyante ako na magagaling sa multiple choices question subalit bumabagsak pagdating sap ag-sulat ng sanaysay.

Dahil sa ganitong pangyayari, mas madalas kong tinututukan ang kanilang pag-sulat dahil alam ko naman na kakayanin nila ang multiple choices questions.

Narito ang ilan sa mga ipinapaalala ko sa aking mga mag-aaral na maaari ring makatulong sa ito.

  •    Bashing mabuti ang pamagat ng sanaysay, Tuwing matatapos ang pagsusulit ng aming mga estudyante ay tinatanong ko sila kung ano ang pamagat ng kanilang isinulat na essay. Ang ilang sa mga pamagat ay ipinapasulat ko sa aking mga kasalukyang esrudyante. Ang ilan sa mga ito ay inilathala naming sa blog na ito. Tingnan lamang ito sa aming archive.
  •  .    Kung kaya mong gumawa ng balangkas ay gumawa ka at isaayos ito upang maging maganda ang kalabasan ng iyong talata. May mga balangkas na ipo-post sa blog na ito sa mga susuonod na pagkakataon.
  • .       Sa pag-sulat ng unang talata, i-ugnay ito sa pamagat na ibibigay sa inyo sa araw ng pag-susulit. Ang mga paraan sa pagsulat ng introduksyon ay ipo-post din naming sa blog na ito. Iwasan ang masyadong mahabang pangungusap na paulit-ulit ang sinasabi. Dapat ay mahalaga at parating kaugnay ng tema na tinatalakay sa pamagat. Linawin ang iyong punto upang maunawaan ito ng iyong mambabasa.
  •  .      Ipahiwatig ang pinakang punto mo sa sa katawan ng sanaysay. Maari kang gumawa ng kwento na kaugnay ng iyong introduksyon. Ilarawan ng maayos sa paraan ng paggamit ng maliliit at/o malalaking detalye. Maaaring gumamit ng deductive o inductive method sa pagsulat upang maipahiwatig moa ng iyong punto.
  •  .    Tapusin ang iyong sanaysay sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong konklusyon. Maaari mong sagutin ang tanong ng mambabasa halimbawa “eh ano naman?”, “Bakit dapat ka naming paniwalaan?”, o iyong simpleng pangungusap na alam mong tapos na ang iyong essay.
  •  .   Dapat mog gamitin ang tamang bantas sa bawat pangungusap sa iyong  gagawin. Alam kong alam mo naman kung paano gamitin ang mga bantas.
Ilan lamang iyan sa mga tinututukan ko sa tuwing itatama ko ang kanilang mga sanaysay. Lagi kong sinasabi sa kanila na walang maling punto hangga’t tugma ang kanilang sinusulat sa pamagatna ibinigay sa kanila. Lagi kong ipinapaalala sa kanila na maging malinaw lamang ang kanilang sinasabi upang maunawaan ng kanilang mambabasa ay tiyak na mataas na marka ang kanilang makukuha.

Sana ay may napulot kang impormasyon na makakatulong sa inyo upang makasulat ka ng maayos na sanaysay.

Find More essay here



Post you may want to read