Nang iwan kami ng aking ama ay maliit pa kaming dalawang magkapatid kaya ng mag-asawang muli ang aking ina ay doon na nagsimula ang pagsubok ko sa buhay kasi pinagtrabaho kami ng pangalawa kong tatay pero kahit ganoon ay nakapag-aral naman kami ang kaso mo ay ng mapatay ang pangalawa kong ama, dun na natigil ang pag aaral naming magkapatid kaya napilitan akong pumasok bilang kasambahay.
Nang mag-umpisa na ako sa aking trabaho ay laking malas ko dahila ng tatay ng amo ko ay sobrang bastos at manyakis kaya palagi ko siyang kaaway. Ito rin ang naging dahilan kung bakit ako umalis sa kabila ng pagiging mabait ng amo ko. Kung hindi naman dahil sa ugali ng kanyang ama ay hindi ako aalis sa kanila. Isang taon din ang inilagi ko sa kanila.
Nang mag-umpisa na muli ako sa aking panibagong trabaho ay napaganda naman ang lagay ko. Napakabait sa akin ng aking amo. pinili ko na ring magtagal doon dahil maganda ang pakikitungo nila sa akin bilang kasambahay nila. doon ko na rin nakilala ang aking napangasawa ngunit hindi ko naman natapos ang aking pag-aaral. kaya ngayon ay nag-enrol ako sa ALS. nananalig ako na sana ay makapasa ako sa gaganaping A&E Test upang kahit paano ay makaangat ako at matuto ng iba pang bagay na kakailanganin ko at ng aking pamilya. iyan ang mga pagsubok sa aking buhay na kailanman ay hindi mo malilimutan.
sanaysay ni:
Anabelle M. Felismina
Elementary Level
Ser Jay shares simple stories and lessons for out-of-school youth and adult learners. Dito mo mababasa ang tips, motivation, at personal kwento tungkol sa pag-aaral, buhay, at mga bagay na makakatulong sa araw-araw.
Post you may want to read
-
Cycling enthusiasts are aware that there is a vast choice of cycling equipment to pick from. To figure out what you'll need, you'll...
-
The Benefits of a Successful Investment Investing in stocks is one of the best ways to make the most out of the market. But, there are som...
-
ALS RPL Based Learning Activity Sheets Activity 1 - LS 3 – Mathematical ang Problem Solving Skills
-
Blogging is a perfect way for people to share their thoughts with others. When people blog, it means they keep an updated online journal...
-
Kung gusto mong makipag-ugnayan, maaari mo akong ma-reach sa: 📧 Email: serjay2018@gmail.com O sa aming soical media accounts
No comments:
Post a Comment