Huwag mo akong iiwan

 



Marami-rami na rin tayong pinagdaanan. Mga pangarap na binuo, mga lugar na pinuntahan, mga kaibigang nakilala, lahat yon, tayo ay magkasama. Kung iniisip mong di kita inaalagaan,  nagkakamali ka, inaalagaan kita sa paraang alam ko. Paumanhin kung naghahanap ka pa, di ko kayang ibigay kung hindi mo naman sasabihin. Sa bawat problemang ating pinagdadaanan,  iniisip kong iwanan at palitan ka ngunit di ko ginawa dahil pinahahalagahan kita. Pinahahalagahan ko ang ating pinagsamahan, ang bawat pagsubok na pinag daanan. Hindi kita sinusumbatan kong minsan na maririnig mong nag rereklamo ako. Desisyon kong manatili, desisyon kong huwag kang bitawan. 

Subalit bakit parang ikaw ang sumusuko. Parang ikaw ang napapagod. Parang nararamdaman kong iiwan mo na ako. Bakit? Hindi mo na ba kaya? Kailangan mo ba ng pahinga? 


Hangga't naririto ka sa aking piling ay sasamantalahin ko ang pagkakataon. Susulitin ko ang bawat oras na tayo ay magkasama. Susubukan kong ayusin ang kung ano mang nararanasan natin ngayon. 


Isa lang ang pakiusap ko. Huwag mo muna akong iwanan. Huwag ngayon. Huwag na sana. 

-jayson banaag-06092021

No comments:

Post a Comment

Post you may want to read