Ano nga ba ang Investing?
Ang Investing ay isang paraan kung saan inilalagay mo ang iyong pera upang mag-generate ng karagdgang kita. Maaaring sa isang Physical Store o sa mga assets na pwede nating pagkakitaan kahit hindi tayo ang nag mamanage nito. 'yong tipong ilalagay mo ang iyong pinaghirapang pera sa isang lugar at nananalig ka na ito ay kikita paglipas ng panahon.
Kaya may dalawa itong components: una ay ang panganib na malugi ka o hindi ka kumita sa pinaglagakan mo ng iyong pera; Pangalawa ay ang potensyal na kita kapalit ng panganib na iyon.
Kaya kailangan natin ilagay o i-invest ang ating pera sa mga passive income streams; dahil binibigyan tayo ng pagkakataong kumita kahit natutulog tayo. Ang pagbili ng stocks sa mga kumpanya na nagbibigay ng dibidendo ay isang halimbawa nito.
No comments:
Post a Comment