Umaasa Ka pa ba?

Umaasa ka pa ba?
Saan?
Bakit nga ba tayo ay madalas nasasaktan?
Kaya tayo nasasaktan, siguro dahil umaasa pa tayo.

Bakit ka nga ba umaasa?

Umaasa ka kasi maganda ang ipinapakita nya sayo. Maalaga sya, parang lalaking bersyon ng nanay mo pero mas bata nga lang. Iyon bang tipong kapah may sakit ka, nag-aalala sya. Pinupuntahan ka sa inyong bahay upang alagaan. At hindi yon dala ng mga pagkakataon ha, binibigyan ka talaga nya ng panahon. Oh! di ba? ang haba ng buhok mo. Kung pwede nga lang na diyan na sya sa bahay mo tumira eh ginawa na nya, kaso hindi diba? Tinanong mo manlang ba kung bakit ka nya inaasikaso? ano sabi? dahil gusto nya? oh ikaw naman, kinilig agad. umaasa sa ano?

Bakit ka nga ba umaasa?

Umaasa ka dahil pag mulat ng mga mata mo, pangalan nya ang bumabati sa cellphone mo. yung ihi mo nadadagdagan na agad dahil sa mga sweet messages na nababasa mo. Malalambing na mensahe na hindi mo alam kung saang aklat nya nabasa, basta ang alam mo lang, kinikilig ka. Inaalala nya ang pagkain mo, na akala naman nya ay hindi mo ginagawa. Ikaw naman, sasagot ng "hindi pa" kahit ngumunguya ka na, para lang mabasa mo ang pag-aalala nya. Bago ka matulog, ayan, mejo nahuhulog ang iyong loob dahil sya ang kausap mo pa sya. Tinanong mo man lamang ba sya kung bakit ka nya pinaglalaanan ng panahon? deadma na dba? basta ang mahalaga masaya ka. Kasi nga umaasa ka. saan?

Bakit ka nga ba umaasa?

Umaasa ka dahil sa twing may lakad ka at gusto mo syang kasama ay naandyan na agad agad. Ano to, bodyguard? Iyong tipong hindi ka naiinip sa lakad mo dahil kasama mo sya. Cloud 9? dapat nagbaon ka nalang ng chocolate. haist. Tinanong mo man lamang ba sya kung bakit ka nya pinaglalaanan ng panahon? deadma na dba? basta ang mahalaga masaya ka. Kasi nga umaasa ka. saan?

Nakakatuwang isipin na sa tuwing gusto mo siyang makita, makausap o makasama ay parating andyan siya, liban nalang kung may iba siyang mahalagang inaasikaso. Ngunit sa dalas na karay karay mo sya, iniisip mo nalang na ikaw din ay mahalag sa kanya. Tinanong mo na ba? Siguro kaya ka umaasa dahil nasasanay ka na sa presensya nya. Akala mo, dahil nandyan lang sya ay sayo na sya.
Tinanong mo man lamang ba sya kung bakit ka nya pinaglalaanan ng panahon? deadma na dba? basta ang mahalaga masaya ka. Kasi nga umaasa ka. saan?

https://www.youtube.com/watch?v=JJ5FOeVjqWg

No comments:

Post a Comment

Post you may want to read