LS 1 – Communication Skills Filipino

 


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mabisang tinig.

a. mabisang pakikinig                                     c. mabisang komunikasyong pasalita

b. mabisang pag-iisip                          d.mabisang kakakayahang pangmatematika

_____ 2. Tumutukoy ito sa lakas o hina ang iyong tinig.

a. pitch                        b. kalidad                    c. bilis              d. bolyum

_____ 3. Katangian ng tinig na magpahiwatig ng damdamin.

a. pitch                        b. kalidad                    c. bilis              d. bolyum

_____ 4. Hindi magandang pakinggan ang tinig ng iyong kaibigan. Kailangan niyang pagandahin ang ________ ng kaniyang tinig.

a. pitch                        b. kalidad                    c. bilis              d. bolyum

_____ 5. Ito ang katangian ng tinig na tumutukoy sa tulin o bagal ng pagsasalita.

a. pitch                        b. kalidad                    c. bilis              d. bolyum

_____ 6. Kung malakas ang iyong tinig, maaaring isipin ng mga tao na ____________.

a. galit ka

b. interesado ka sa paksang tinatalakay

c. naiinip ka sa mga taong nasa paligid mo

d. marami kang nalalaman hinggil sa paksang tinatalakay

_____ 7. Ang pitch o taas ng iyong tinig ang nagpapakita sa __________.

a. damdamin                                       c. kakayahang ayusin ang sigalot

b. kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay d. kakayahang magpasiya

_____ 8. Ang bilis ng iyong pagsasalita ay tumutukoy sa ___________.

a. tulin at bagal ng iyong pagsasalita                         c. iyong kaalaman hinggil sa paksa

b. husay mo sa paggamit ng mga salita                    d. kagandahan ng iyong tinig

_____ 9. Ang bolyum ay tumutukoy sa ____________.

a. bilis ng iyong pagsasalita               c.kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay

b. lakas o hina ng iyong tinig              d. kakayahang mag-ayos ng mga sigalot

_____ 10. Ang mapitagang pananalita ay nakatutulong sa _____________.

a. paglutas ng mga sigalot                                         c. pagpapagalit sa isang tao

b. paglala ng mga suliranin                            d. pagkasira ng usapan

 

 

______11. Naiintindihan ng isang mapanuring mambabasa na maaaring maibigay dahil ang mga tao ay may _________________ kaalaman.

a. iba                                       c. mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea

b. hindi kompleto                    d. mali

______12. Kailangang maingat sa pagtukoy sa mga _________________ na impormasyon ang mapanuring mambabasa.

a. iba                                       c. mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea

b. hindi kompleto                    d. mali

______13. Ang hindi tama o hindi sapat na impormasyon ay matutukoy kung kulang ito .

a. iba                                       c. mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea

b. hindi kompleto                    d. mali

______14. Tsinitsek at muling tsinitsek ng isang mapanuring mambabasa ang impormasyong inilahad at nakalap upang matukoy niya ang anumang _________________ sa data o impormasyon. Ito ay upang hindi siya mapahiya.

a. iba                                       c. mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea

b. hindi kompleto                    d. mali

______ 15. Matutukoy ng isang mapanuring mambabasa ang mga sipi na may_________________. Alam niya kung ang mga sipi ay may labis na detalye o mabulaklak na mga salita na makalilito sa kaniya.

a. mga kalabisan                    b. walang kaugnayan             

c. magpasiya               d. ilohikal

______ 16. May kakayahang ayusin ng isang mapanuring mambabasa ang impormasyong natatanggap niya at pag-ibahin ang mga magkakaugnay at _________________ na impormasyon.

a. mga kalabisan                    b. walang kaugnayan             

c. magpasiya               d. ilohikal

______17. Samakatuwid, _________________ siya kung anong materyales ang babasahin niya para sa isang tiyak na layunin.

a. mga kalabisan                    b. walang kaugnayan c. magpasiya   d. ilohikal

______18. Ang isang mapanuring mambabasa ay may kakayahang tukuyin ang _______________ na ideya o detalye sa isang sipi.

a. mga kalabisan                    b. walang kaugnayan c. magpasiya   d. ilohikal

_____ 19. Ang idyoma o sawikain ay _______________ .

a. may kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito.

b. isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino.

c. may taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa, pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan.

d. lahat ng mga nabanggit sa itaas.

 

 

_____ 20. Ang salawikain ay _______________.

a. isang uri ng bugtong.

b. isang uri ng idyoma.

c. kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino na nagpalipat-lipat sa mga labi ng salinlahi.

d. birong may katotohanan.

_____ 21. Ang ___________________ ay masasabing idyoma.

a. nagbabatak ng buto                                               

b. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.

c. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.

d. Pag di ukol ay di bubukol.

_____ 22. Ang ___________________ ay masasabing salawikain.

a. nagsaulian ng kandila                                 c. mabulaklak ang dila

b. may krus ang dila                           d. Daig ng maagap ang masipag.

_____ 23. Ang mga sawikain at salawikain ay importante dahil _____________ . 

a. Hindi naman importante ang mga ito.

b. Ang mga ito ang nagpapaalaala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino.

c. Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.

d. Nakaaaliw ang mga ito.

_____ 24. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating kabuhayan.”

a. Mananaga si Julia.

b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.

c. Pupukpukin ni Julia ang bato.

d. Tatagain ni Julia ang bato.

_____25. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.

a. magsabi ng katotohanan                            c. maglaro sa buhanginan

b. magsinungaling                                                      d. magpatiwakal

_____26. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas,

a. namumutla                          c. may ahas na nakapasok sa bahay

b. nangangati ang lalamunan             d. hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita

_____27.Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.

a. balitang sinabi ng kutsero               c. balitang makatotohanan

b. balitang walang katotohanan                     d. balitang maganda

_____28. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.

a. matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao

b. pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan

c. nagkaigihan

d. nagkabati

_____29. Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro ng apoy.

a. nagluluto     b. nagpapainit             c. nasunugan d. nagtataksil sa kanyang asawa

_____ 30. Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.

a. mata-pobre                                                 c. parating wala sa bahay

b. galante; laging handang gumasta              d. laging kasapi sa lipunan

_____ 31. Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming may galit sa kanila.

a. may sakit sa dila                                                     c. may singaw

b. daldalero o daldalera                                              d. nakagat ang dila

_____ 32. Sa drama sa radyo, nasabi ni Don Felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak na si Alejandro at ni Marinela. Ano ang ibig sabihin nito?

a. ikakasal na sina Alejandro at Marinela

b. magkaka-anak na sina Alejandro at Marinela

c. maghihiwalay na sina Alejandro at Marinela

d. magiging magnobyo na sina Alejandro at Marinela

_____ 33. Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan. Ano ang ibig sabihin nito?

a. maliliit na mga bata                                                 c. malilikot na mga bata

b. magugulong mga bata                                            d. salbaheng mga bata

_____ 34. Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila. Ano ang ibig sabihin nito?

a. pugad ng kanilang ibon                                          c. sariling tahanan

 b. pugad ng kanilang mga manok                 d. sariling kuwarto

_____ 35. May utang na loob ang mag-asawang Nita at Mark kay Ginoong Agoncillo dahil sa pagkakabalik ng mga bata. Ano ang utang na loob?

a. utang

b. may pagbabayaran

c. utang na pera

d. utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa

_____ 36. Ang mag-asawang Mark at Nita ay parang aso’t pusa. Bakit sila parang aso’t pusa?

a. hindi sila pantay ng laki                                          c. hindi sila nagbibigayan

b. lagi silang nag-aaway                                             d. lagi silang naghahabulan

_____ 37. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.

a. palipat-lipat ng tirahan                                            c. binalot ang gamit

b. nagbalot ng pagkain                                               d. naglayas

_____ 38. Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.

a. hindi pinagtatrabaho                                   c. hindi pinapalo o sinasaktan

b. hindi inaakay                                               d. hindi pinaghuhugas ng pinggan

_____ 39. Dahil sa nangyari, magbabagong-loob na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si Mark.

a. maliligo                                c. magpapalit ng damit panloob

b. magbibihis               d. magbabago o magpapalit ng ugali o kuro-kuro

_____40. Kung maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot. Kung mahaba na at malapad, saka na mag-unat-unat.

a. Hindi mo matatakpan ang paa mo kung maiksi ang kumot kaya bumili ka ng mahaba para hindi ka nakabaluktot.

b. Lalamukin at giginawin ka kapag nagkumot ka ng maiksi.

c. Kung ano ang mayroon ka ay pagkasyahin mo muna. Saka ka na lang gumasta nang malaki-laki kapag mas mayroon ka na ring mas maraming pera.

d. Huwag kang matulad nang nakaunat ang paa mo kung maiksi rin naman ang kumot mo.

_____41. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.

a. Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay may mabuting kalooban. Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa simula. Kilatisin mong mabuti kung ang sinasabi niya ay ang katotohanan.

b. Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko.

c. Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto iyon. Baka mapeke ka lang.

d. Ang ginto at tanso ay parehong makinang.

_____ 42. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.

a. Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo tingnan ang uling sa mukha ng kaharap mo.

b. Maghilamos ka muna bago ka makiharap sa ibang tao.

c. Kakalat ang uling sa mukha ng ibang tao kapag ikaw ang nagpahid nito. Hayaan mong siya ang maglinis ng mukha niya.

d. Bago ka magsalita nang kung anu-ano tungkol sa ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo’t baka mas marami kang kapintasan.

_____ 43. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

a. Ang mga matsing ay matalino ngunit mas matalino sa kanila ang ibang hayop.

b. Kahit gaano ka man katuso o katalino, mayroon pa ring mas matalino o tuso kaysa sa iyo.

c. Ang matsing ay matalinong hayop na ayaw malamangan.

d. Kahit matalino ang matsing, puwede pa rin siyang maloko.

_____ 44. Saan mang gubat ay may ahas.

a. Lahat ng kagubatan sa Pilipinas ay tinitirhan ng mga ahas at iba pang mga hayop.

b. Hindi nawawalan ng masasamang tao. Kahit saan ka magpunta ay may taong hindi mabuti ang kalooban.

c. Ang mga gubat ay pinamamahayan ng mga ahas.

d. Ang ahas ay magaling maglungga lalo na sa mga lugar na mapuno.

 

_____ 45. Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una ninyong pagkikita ay talagang mabait ito. Huwag kang padadala sa matatamis na salita o mabuting pakita kaagad.

a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

b. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.

c. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwag.

d. Saan mang gubat ay may ahas.

_____ 46. Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang pagpapahalaga sa kapwa niya.

a. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

b. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

c. Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin.

d. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin muna.

____ 47. “Nay, gusto ko na pong bumalik sa inyo. Hirap na hirap na po ako sa buhay may-asawa.” Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa’y biro; kanin bagang isusubo’t iluluwa kung mapaso.

a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

b. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto

c. Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.

d. Saan mang gubat ay may ahas.

____ 48. Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya gagawin ang ginagawa niyang hindi maganda.

a. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

b. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

c. Saan mang gubat ay may ahas.

d. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

_____49. Kahit kailan daw ay hindi niya magugustuhan ang lalaking iyon. Hindi raw niya tipo ito.

a. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.

b. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

c. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

d. Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot Kung mahaba at malapad, saka na mag-unat-unat.

_____ 50. Si Lito ay parating pumupunta sa mga handaan kahit hindi siya kinukumbida. Siya ay balat kalabaw. Ang ibig sabihin ng balat kalabaw ay ___________.

a. hindi marunong mahiya                                          c. hindi nagkukunwari

b. hindi na hinahayaang kumbidahin pa                    d. wala sa nabanggit

 

Pwede mo pang sagutan ang test na ito. LS 1 Filipino Practice Test



LS 1 - Filipino

ang tamang sagot 1.c 2.d 3.a 4.b 5.c 6.a 7.a 8.a 9.a 10.a 11.a 12.b 13.c 14.d 15.a 16.b 17.c 18.d 19.d 20.c 21.a 22.d 23.c 24.b 25.b 26.d 27.b 28.a 29.d 30.b 31.b 32.a.33.a 34.c 35.d 36.b 37.d 38.c 39.d 40.c 41.a 42.d 43.b 44.b 45.b 46.c 47.a 48.d 49.c 50.a


No comments:

Post a Comment

Post you may want to read