Pangalan__________________________
Score _________
Panuto: Piliin ang titik
ng wastong sagot
1.
Ang pagputok ng Bulkang Taal ay angdulot
ng pighati sa marami dahil sa pagkamatay ng mga hayop at
halamang pinagkukunan nila ng pangkabuhayan. Alin sa mga sumusunod na larawan
ang nagpapakita ng damdaming angkop sa salitang may salungguhit?
2.
Naglalaro ng mga online game sina
Ferdie at ernie sa computer shop at inabot sila ng hatinggabi. Sa oras
ng klase, napansin ng guro na hikab ng hikab si Ernie. Ayon sa kwneto, bakit
kaya siya inaantok?
(A)
Nanood siya ng TV matapos mag-aral
(B)
Naglalaro pa rin siya pagdating ng bahay.
(C)
Nagawa niya ang lahat ng mga takdang aralin
(D)
Nagpupuyat siya sa paglalaro ng mga online game.
Para sa bilang 3
Masigasig si Vicky sap ag-aaral dahil
pangarap niyang maging guro. Nang magkasakit ang kaniyang tatay, napilitan
siyang huminto sap ag-aaral. Isang araw, may nagkuwento sa kanya tungkol sa
libreng edukasyon, kaya siya ay nagkaroon ng interes dito. Ipinagpatuloy niya
ang pag-aaral habang siya ay naghahanap-buhay.
3.
Batay sa binasa, alin sa sumusunod ang
pinakamagandang magyayari kay Vicky?
(A)
Maghahanapbuhay siya upang ipagamot ang tatay.
(B)
Magpapatuloy siya sap ag-aaral at paghahanap-buhay.
(C)
Makapagtatapos siya ng pag-aaral at magiging isang guro.
(D)
Mapaglalaanan niya ng panahon ang pag-aalaga sa kaniyang tatay.
Para sa bilang 4
Si Brenda ay tinulungan ng kaniyang tiya upang
makapag-aral, ngunit hindi ito sapat para sa kanyang mga pangangailangan.
Nagtinda siya ng mga pagkain sa kanilang klase at tumutulong din sa tindahan ng
kanyang tiya. Pursigido siyang makapagtapos ng pag-aaral.
4.
Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni
Brenda?
A. Magsikap sap ag-aaral
B. Kusang-loob na tutulong sa tiya.
C. Magsisipag magtinda ng pagkain.
D. Aayusin ang iskedyul ng mga Gawain.
Para sa bilang 5
Laging pinapaalalahanan si Impeng Negro ng kanyang in ana
huwag makipag-away. Subalit palaging tinutukso siya ni Ogor, na pinagtatawanan
ang kanyang maitim na balat, kulot na kulot na buhok, at sarat na ilong.
Karaniwang ito ang nagiging sanhi ng kanilang pag-aaway. Minsan, nagdilim ang
kanyang paningin sag alit at nauwi ito sa matinding away, kung saan napabagsak
nya si Ogor.
5.
Batay sa binasa, alin sa sumusunod ang
pinakaangkop na gagawin ni Impen?
A.
Isumbong si Ogor sa ina nito.
B.
Pagtaguan nalamang si Ogor.
C.
Huminahon at makipagbti kay Ogor.
D.
Isumbong si Ogor sa Kapitan ng barangay.
6.
Alin sa sumusunod ang higit na Magandang
Estilo sa pagsulat ng kuwento?
A.
Gawing detalyado ang kuwento.
B.
Magsimula sa Magandang bahagi.
C.
Simulan sa paglalaban at tunggalian.
D.
Magbalik-tanaw para mapag-ugnay ang mga pangyayari.
Para sa bilang 7
Nilustay ni Edward ang perang
pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Dahil sa labis na sama ng loob, inatake
sa puso ang kanyang ama at namatay. Itinakwil siya ng kanyang galit na mga
kapatid, habang labis itong ikinalungkot ng kanyang ina.
7.
Kung hihingi ng tawad si Edward, ano ang
malamang na mangyayari?
A.
Kamumuhian pa rin siya ng mga kapatid.
B.
Patatawarin agad siya ng kaniyang mga kapatid.
C.
Makikiusap ang nanay niya na tanggapin siya ng mga kapatid.
D.
Patatawarin siya ngunit hindi siya patitirahin sa kanilang bahay.
Para sa bilang 8
Ang
Matsing at ang Pagong
A
Philippine Folk tale by jose Rizal
Noong una, magkaibigan sina Matsing at Pagong. Isang
araw, may Nakita silang puno ng saging na lumulutang sa tubig. Nagpasiya silang
hatiin ito sa dalawa upang itanim. Kinuha ni Matsing ang itaas na bahagi habang
napunta kay Pagong ang ibabang bahagi. Nabuhay ang saging ni Pagong, ngunit
namatay ang kay Matsing.
8.
Kung hindi nagging tuso si Matsing, ano
kaya ang magiging wakas ng kuwento?
A.
Hindi na sila magbabati.
B.
Mananatili silang magkaibigan.
C.
Iisipin ni Pagong na dayain si Matsing.
D.
Hindi na nila hahatiin ang puno ng saging.
Para sa bilang 9
Si Maria ay nabangsang ‘Mariang Mapangarapin’ dahil lagi
siyang nakatingin sa malayo na wari’ nangangarap. Isang araw, binigyan siya ng
kanyang manliligaw ng isang dosenang manok. Inalagaan niya ang mga ito hanggang
sa mangitlog. Nagpasya siyang ipagbili ang mga itlog sa bayan upang makabili ng
magarang kasuotan. Habang lumalakad siya nang pakendeng-kendeng at hindi
tumitingin sa daan, nahulog ang lahat ng itlog na kanyang sunong.
9.
Kung siya’y hindi naging mapangarapin, ano
ang mangyayari sa kuwento?
A.
Magiging malungkot ang buhay niya.
B.
Tataas ang ambisyon niya sa buhay.
C.
Maibebenta niya ang mga itlog at mabibili
ang mga pangangailangan.
D.
Bibigyan muli siya ng isang dosenang manok ng kanyang manliligaw.
Para sabilang 10
|
I |
II |
III |
|
balibol piko
basketbol sipa |
sepak
takraw palo sebo sungko siyatong |
patintero luksong tinik tumbang preso taguan |
10.
Alin sa mga kahon sa itaas ang nagpapakita
ng purong laro ng lahing Pilipino?
A.
I lang
B.
II lang
C.
III lang
D.
I at II lang
11.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang may
mga salitang magkasingkahulugan?
A.
Mataas ang puno sa tabi ng matayog na gusali
B.
Hawakan mo ang lubid at bibitiwan ko ang pinto.
C.
Nasa kanan ang kusina, nasa gitna ang hagdan.
D.
Ang mga batang lalaki at babae ay nakapila sa tapat ng paaralan.
Para sa bilang 12
Araw ng Linggo. Ang sabi ng nanay sa mga anak niyang sina
Aubrey at Lauren, “Maghanda na kayo at may lakad tayo.” ___________nilang
pinuntahan ang hair salon at nagpagupit. _______, kumain sila sa isang
restawran. Nasiyahan sila sa dami ng pagkain. ________, nanood sila ng sine.
Ang ________ nilang ginawaay namili ng kani-kanilang pangangailangan. Umuwi
silang mayang-masaya.
12.
Alin sa sumusunod na salitang naghuhudyat
ang angkop na gamitin uoang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento?
A.
Pagkatapos, una, sumunod, huli
B.
Sumunod, una, pagkatapos, huli
C.
Una, pagkatapos, sumunod, huli
D.
Una, sumunod, pagkatapos, huli
13.
Alin sa sumusunod ang mga salitang magkasalungat?
A.
Malaki – masikip
B.
mabagal – mabilis
C.
masarap – maasim
D.
marikit – masungit
Para sa bilang 14
Isa sa mga sikat na anekdota ay ang isinulat ni Dr. Jose
Rizal tungkol sa kanyang tsinelas. Habang sakay siya ng bangka, nahulog sa ilog
ang isa niyang tsinelas. Itinapon niya ang isa pang tsinelas sa ilog.
14.
Ano ang dahilan kung bakit naisipan ni Dr.
Jose rizal na itapon na rin ang kapares ng tsinelas na nahulog?
A. Upang bilhan siya ng bago
B.
Dahil magagalit ang nanay niya
C.
Dahil hindi na niya magagamit ang naiwang kapares
D.
Upang magamit ito ng kung sino mang makapulot nito
Para sa bilang 15
15.
Batay sa pictograph na makikita sa
itaas, anong mga taon ang may magkaparehong dami ng nabentang sasakyan?
A.
2015 at 2017
B.
2016 at 2018
C.
2017 at 2018
D.
2018 at 2019
Para sa bilang 16
Bata pa si Marcelito Pomoy nang iniwan siya ng kanyang
ina at makulong ang kanyang ama. Inampon siya ng isang pulis, ngunit nagdanas
siya ng hirap s kanyang paglaki at natuto ng iba’t ibang trabaho. Nang
matuklasan niya ang kanyang talent sap ag-awit, dito nagsimula ang pagbabago ng
kanyang buhay. Hindi man siya nagwagi sa Talentadong Pinoy, nagwagi naman siya
sa Pilipinas Got Talent, na nagbigay katuparan sa kanyang pangarap na makilala
sa larangan ng pag-awit.
16.
Alin ang pinakamagandang nangyari sa buhay
ni Marcelito?
A.
Nang ampunin sila ng isang pulis
B.
Nang iwanan sila ng kanilang ina.
C.
Nang sumali siya sa Talentadong Pinoy.
D.
Nang maging kampeon siya sa Pilipinas Got talent.
Para sa bilang 17
Pagmasadan Ninyo ang munting papel na umalipin sa ating
lahat sa mahabang panahon. Kailangan na nating wakasan ang ilang daang taonng
pananakop ng mga Kastila. Punitin nating lahat ang ating mga sedula!
17.
Ang pahayag na ito ay naganap sa isang
malaking pagtitipon ng mga Katipuneros sa Pugad Lawin noong 1896. Sa
kasalukuyan, alin sa sumusunod ang mabilis na paraan upang maipahayag ng
mamamayan ang pagnanais na ipaglaban ang mga Karapatan?
A.
Paglahok sa rally
B.
Paggamit ng social media.
C.
Pagpapadala ng sulat sa kinauukulan.
D.
Pakikipagdebate ukol sa mga patakarang tinututulan.
Para sa bilang 18
Naging Sultan si Pilandok
Naghimagsik siya laban sa kanyang Sultan kaya ipinakulong
siya at ipinatapon sa gitna ng dagat. Nagulat ang Sultan nang makitang muli si
Pilandok na magara ang kasuotan at hawak ang makinang na espada. Hindi siya
namatay; tinulungan siya ng kanyang mga ninuno at binigyan siya ng mga
kayamanan mula sa ilalim ng dagat. Humiling ang Sultan kay Pilandok na isama
siya roon. Nagkasundo sila na walang makaaalang ng kanilang plano. Bilang
kapalit, ipinagkaloob ng Sultan kay Pilandok ang korona, singsing, at espada.
Nagpatapon ang Sultan sa gitna ng dagat at namatay. Mula noon, si Pilandok na
ang naging Sultan.
18.
Batay sa kuwento, ano ang wastong
pagkakasuonod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba?
|
6 |
Nagpatapon
ang Sultan sa dagat. |
|
5 |
Ipinakuong
at ipinatapon si Pilandok |
|
4 |
Namatay
ang Sultan |
|
3 |
Naging
Sultan si Pilandok |
|
2 |
Naghimagsik
si Pilandok sa Sultan |
|
1 |
Nagkasundo
si Pinaldok at ang Sultan |
A. 1, 4, 3, 2, 6, 5
B. 2, 5, 1, 6, 4, 3
C. 2, 5, 6, 4, 1, 3
D. 3, 5, 1, 4, 6, 2
Para sa bilang 19
Ang dengue ay isang delekedong sakit
na dulot ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Lahat ng tao ay maaaring
mabiktima ng sakit na ito. Upang maiwasan ito, siguraduhing walang naimbak na
tubig sa mga kanal at mga lalagyan na walang takip.
19.
Alin sa sumusunod ang sumusuporta sa
talata?
A.
Huwag gumamit ng mga bagay na ginamit ng biktima nito.
B.
Gumamit ng face mask upang hindi mahawa ng may dengue.
C.
Uminom ng mga halamang herbal upang labanan ang dengue.
D.
Iwasang magkaroon ng imbak na tubig sa mga kanal at mga basyong lalagyan
Para sa bilang 20
“Wala kang utang na loob, Leo! Ibinigay ko sa iyo ang
lahat. Kunupkop kita sa aking pamamahay at itinuring kitang tunay na kapatid.
Tapos, ganito pa ang gagawin mo! Kung alam ko lang, hindi na sana kita tinulungan!”
20.
Alin sa sumusunod ang tamang karugtong ng
pahayag sa ito upang maipakita ang iyong pag-unawa at pagpapakita ng saloobin
ng tauhan batay sa pangyayari?
A.
Inamo siya ni Leo.
B.
Pinalayas niya si Leo.
C.
Pinalipat niya ng tirahan si Leo.
Para sa bilang 21
Bagama’t may naidudulot na kaginhawahan ang mga
makabagong teknolohiya, maaari rin itong magdulot ng mga negatibong epekto.
Nakaaapekto ito sa kalusugan kung labis ang paggamit, ngunit nagiging possible
ang ugnayan kahit gaano man kalayo ang mga tao sa isa’t isa.
21.
Ano ang maaaring pamagat sa talatang ito.
A.
Teknolohiya: Kaibigan Ka Ba?
B.
Teknolohiya: Ikaw ang may Sala
C.
Teknolohiya: Pampaginhawa ng Buhay
D.
Teknolohiya: Positibo at Negatibong Dulot Nito
22.
Tuwing umaga, dahan-dahang dinidilig ni
Kyle ang mga tanim na orchids ng kaniyang ina. Tuwang-tuwa ang mag-anak na
nagkukwentuhan sa hardin habang pinagmamasdan ang pamumulaklak ng mga ito.
Alin
sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang nagsasabi ng paraan, panahon at
lugar?
A.
dahan-dahang dinilig ang orchids
Tuwing umaga
Sa hardin
B.
habang pinagmamasdan
Dahan-dahang dinidilig
Tuwing umaga
C.
orchids
Habang pinagmamasdan
Tuwang-tuwa ang mga mag-anak
D.
tuwang-tuwa ang mag-anak
Dahan-dahang dinidilig
Habang pinagmamasdan.
23.
Alin sa sumsunod ang nagpapahayag ng
katotohanan?
A.
Ang bato ay matigas.
B.
Bubuhatin ko ang buwan.
C.
Nais kong magkaroon ng anghel sa tahanan.
D.
Mas ligtas kang sumakay sa jeep kaysa sa motor.
Para sa bilang 24
“Di
ako kumakain ng bigas, Major.
Sinasaing
ko muna para maging kanin.”
(Hango
sa pelikulang “Batas sa Aking Kamaya (1987))
24. Batay
sa pahayag sa itaas, anong Estilo ng diyalogo ang ginamit?
A.
Eupemistiko – katotohanan
B.
Matalinghaga – may lalim ang kahulugan
C.
Pormal – angkop sa mga bata, git ng guro
D.
Bulgar – usapang kaly, balbal, di-katanggap-tanggap
25. Namiyesta
si Grace. Naikuwento sa kaniya ang ginawang paghahanda bago magpiyesta. Kung si
Grace naman ang magsasalaysal, alin sa sumusunod na pahayag ang may tamang
gamit ng pandiwa?
A.
Magpapasalamat sa lahat noong piyesta.
B.
Nagkabit ng mga palamuti bago magdiwang.
C.
Maghahanda ng pagkain pagkaraan ng piyesta.
D.
Nagwawalis ng kalsada nang nakaraang pagdiriwang.
26. Alin
sa sumusunod na bahagi ng isang ulat ang katanggap-tangap?
A.
Ayin sa mga awtodridad ……….
B.
Usap-usapan sa may kanto ………
C.
May hinala ang kinauukulan ………
D.
Ipinalalagay ng mga imbestigador ………
27. Unang
lumabas ang sikat na musiv=c video na “Tala” ni Sarah Geronimo noong
2016. Subalit di ito napansin ng marami. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik at lumikha ito ng ingay sa social
media matapos gawan ito ng “dance challenge”
Alin
sa sumusunod ang mensahe ng binasa sa itaas?
A.
Ilan lamang ang pumansin dito.
B.
Gumawa si Sarah ng bagong music video.
C.
Matabang ang pagtanggap dito ng mga tao.
D.
Sumikat din ang music video ni Sarah na “Tala”
Pwede mo pang sagutan ang test na ito. LS1 Filipino Practice Test
Mga
sagot
1.
B 2.D 3.
C 4. D 5.
C 6. A 7.
B 8. B 9.
C
10.
C 11. A 12.
D 13. B 14.
D 15. B 16.
D 17. B 18.
B
19.
D 20. B 21.
D 22. A 23.
A 24. B 25.
B 26. A 27.
D
No comments:
Post a Comment