8 Sari-sari Store Tips para umunlad at magtagal ang iyong negosyo

 Kung may tindahan ka, narito ang ilang tips na makatutulong sa pag unlad ng iyong negosyo


TIP NO.1

Kung ano madalas hanapin ng customer ang bilhin para iwas ang pag tambak ng stocks. Hindi kailangan lahat ng brands ay meron, yung common brand lang na palaging binibili ang priority.

LAHAT NG PRODUKTO MABENTA, Maluwag pa ang space ng tindahan.

Halimbawa: Di baleng puro Great Taste White lang ang brand ng kape, kung yun lang din ang mabenta, ayus na.

TIP NO.2

Dapat categorized ang paninda

SABON AT SHAMPOO sa kanan. PANGLUTO sa kaliwa, ALAK nasa parteng ibaba at De lata at CHICHIRYA nasa lugar na mabilis makita.

Hindi pwedeng sama sama ang mga bagay bagay dahil tindero lang din ang malilito.
Hindi pwedeng magkatabi ang shampoo at catsup, o yung itlog at sabon. Baka magkagulo.

TIP NO.3

Pag may bagong product na gustong itinda ay huwag bumili ng isang dosena agad. Sumubok lang ng ilang piraso muna. Halimbawa, karayom o aspile. Bihira naman ang naghahanap niyan. Baka isang kahon agad ang bilhin mo. Matutulog lang ang puhunan mo diyan. Kuha ka muna ng konti upang may maibigay ka kung may maghanap man.


TIP NO.4

"UTANG"

Kaakibat na yata talaga ng tindahan ang utang. Dapat ikaw ang masunod sa panuntunan mo pag dating sa utang. Kung ayaw mong magpa utang, dapat alam nila iyon at dapat nila respetohin. Huwag kang padadala sa mga kwento kuno at galit effect ng mga yan para lng maka utang. Ipakita mo sa kanila na hindi ka madaling kausap pagdating sa UTANG kasi sa huli, ikaw din ang walang kakampi.

TIP NO. 5

Tip para sa mga natutulog nyong paninda. Gawing premyo sa palabunutan.

Pati near exp. Damay nyo na para walang lugi.

TIP NO. 6

Mag tabi araw araw kahit 20 o 50 pesos o kung magkano man ang kaya mong itabi. Kung sa isang bwan ay nakalikom ka ng halaga, idagdag mo ito sa iyong puhunan.

TIP NO. 7

Iwasang magsabi ng "wala" sa inyong customers. Sabihin mo ay "ubos na". Maaari ka namang mag rekomenda ng kaparehong produkto na iba ang brand. Kung ayaw pumayag, hayaan mo nalang ngunit dapat mong ilista kung ano man ang hinahanap niya at isipin kung madalas ba itong hanapin. Ng sa gayon ay mabili mo na ito sa susunod mong pamamalemgke.

TIP NO. 8

Upang huwag kang iwan ng suki siguraduhung ang presyo ng item na nakasanayan nila huwag mo masyado tataasan and be friendly and patience sa mga suki.

Goodluck po sa lahat.




Sana po ay nakapagbigay ako ng inspirasyon na hindi dapat mawalan ng pag asa higit sa ganitong kalagayan nararanasan nating lahat

No comments:

Post a Comment

Post you may want to read