Ang mga bantas o “punctuation mark” ay simbolo na ginagamit sa pagsulat, upang ipaliwanag ang kahulugan, o ang ibig sabihin ng isang akda.
Halimbawa, isipin niyo kung walang bantas ang aking unang pangungusap?
“Magandang araw ang aking kababayan alam niyo ba ang mga bantas”
Kung naiintindihan niyo pa rin, maganda, pero sigurado ako na may magtataka sa unang pagbasa nila. Nagiging mas karaniwan ngayon ang hindi paggamit ng bantas, dahil sa makabagong teknolohiya, at ang kultura na galing dito. Pero, mahalaga pa rin na alam natin ito, para mas maintindihan tayo.
Ang bantas ay mahalaga sapagkat ito ay nakatutulong upang mas lubos nating maintindihan ang mga pahayag o pangungusap na ating binabasa, sa pamamagitan ng bantas ay napapalinaw ang mga nais ipahayag sa pangungusap at talata.
Ang mga iba't-ibang uri ng bantas at mga gamit nito.
- Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik.
- Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong.
- Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.
- Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng mga paksa.
- Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod.
- Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na nasa loob ng pangungusap.
- Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, halimbawa, katuturan, banggit o talaan.
- Tulduk-tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap.
- Tuldukuwit (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang mahabang pangungusap. Karaniwang ginagamit pagkatapos ng mga sugnay na ang kasunod ay ang mga salitang kaya, samakatuwid, gayon din, gayon man, anupa't, bukod
No comments:
Post a Comment