Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano
nga ba ang mga halimbawa ng magandang pananalita at ang gamit nito.
Sa panahong ito na puno na ng teknolohiya,
minsan nakakalimutan na natin ang pagiging magalang. Pero, bilang mga mabuting
Pilipino, dapat nating i respeto ang ibang tao, lalo na ang mga nakakatanda sa
atin. Kaya naman, dapat nating malaman ang mga magagalang na pananalita na
maaaring gamitin.
Ang mga pagbati katuland ng “Magandang
umaga po” ay isa sa mga halimbaw ang magalang na pananalita. Ito’y dahil sa pag
gamit ng po at opo na nagsisimbolo ng paggalang.
Kapag ikaw ay dadaan sa isang masikip na
lugar at may sumasagabal, ating dapat gamitin ang “Makikiraan po”. Ito ay
nagpapakita ng respeto mo sa iba. Pero, kapag ginamit mo ang “alis kayo sa
daan! Tumabi kayo!”, ito ay nagpapakita lamang ng pagkabastos sa kapwa at hindi
dapat tularan.
Bukod dito, ang pagsasalamat sa mga taong
tumulong sa yo kahit sa maliit na paraan ay isa rin sa nagpapakita ng
magagalang na salita. Isang halimbawa nito ay ang pagbili sa tiange. Pagkatapos
iabot sa iyo ng tindero/tindera ang bilihin, walang mawawala sa iyo kapag ika’y
nagpasalamat.
Sa katunayan, sa paraang ito, maipapakita
mo pa na ika’y magalang at maaari mo pang napabuti ang araw ng taong iyon dahil
sa iyong mabait na pagbati.
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit
sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng
respeto at paggalang sa kausap.
Narito ang ilang mga
magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit:
|
po, ho, opo |
(pangsagot sa tanong o tawag) |
|
Makikiraan (po) |
(pakikiraan) |
|
Salamat (po) |
(pagpapasalamat) |
|
Maaari (po) ba? |
(paghingi ng pahintulot) |
|
Walang ano man. |
(pagsasagot sa pasasalamat) |
|
Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po) |
(pagbati) |
|
Pasensiya na (po) |
(paghingi ng paumanhin) |
|
Paki… |
(paghingi ng pabor o tulong) |
No comments:
Post a Comment