Ang Aking Pamilya


-Jomille A.  C Andrade-

 Iba't-iba ang depinisyon natin ng kayamanan at mga biyaya. Ang depinisyon ko ng kayamanan ay ang aking pamilya. Isang kayamanang hindi naglalaho, nauubos o nananakaw.

Tatlong kaming magkakapatid at maagang naulila sa ama. Dalawang-taong gulang ako noon, mag-aapat na taon ang kuya ko at isang taon ang bunso kong kapatid. Ang nanay ko ang tumayong tatay at nanay sa aming tatlo. Hindi naging madali ang aming kalagayan, habang lumalaki, nakikita ko ang aking nanay na umiiyak na at nahihirapan, subalit hindi siya sumuko, patuloy siyang lumaban para sa amin. Sa tulong ng aming mga butihing tiyuhin at tiyahin naitaguyod kami ng maayos ng aking nanay. Simple lang ang aking pamilya, kapos sa pinansyal ngunit nagtutulungan. Mapagmahal at maunawain ang bawat isa. Naniniwala rin ako na kung hindi ganito ang aking pamilya ay hindi ako magkakaroon ng mabuting asawa, dahil marahil iba ang aking ugali, pananaw at maging aking kilos. Lahat nang kung ano ako ngayon ay dahil meron akong mabuti at mapagmahal na pamilya. Kadena ng mga biyaya ang tawag ko sa aking pamilya. Sila ang nagsisilbi kong inspirasyon sa buhay, sila ang aking lakas maging ang aking takbuhan pag ako ay may problema.... Pahalagahan natin ang ating pamilya at mahalin. Diyos ang nagbigay sa kanila para atin.

No comments:

Post a Comment

Post you may want to read