"Huwag mong intayin na mawala ang pagmamahal ko sa iyo. "
Madalas kong nababasa o naririnig mula sa mga taong nag aalay ng buong pusong pagmamahal sa isang tao subalit wala siyang natatanggap na sukli mula sa taong iyon. Buong puso nga ba ang pagmamahal na iniiaalay niya kung naghihintay siya ng kapalit? Karapat-dapat nga bang pag-alayan ng buong pusong pagmamahal ang isang tao?
Wala namang panuntunan sa pagmamahal. Walang maling tao na dapat pag alayan nito. Basta kusa mo itong mararamdaman. Iyon bang mahirap ipaliwanag.
May mga naisulat na ako mula sa aking karanasan subalit hindi ko alam kung buong puso na ang naibigay ko. Tinatanong ko ang aking sarili na kung buong puso ang naibigay ko, bakit parang kulang pa? Bakit nabigo pa rin ako? Bakit hindi kami nagtagal?
Nasasaktan nga daw tayo dahil unang una ay umaasa tayo. Umaasa na lahat ng ibinibigay natin ay may matatanggap tayong sukli. Kahit kakarampot lamang. Ngunit pag wala tayong natanggap ay doon na nadudurog ang ating damdamin. Hindi patas ang labanan. Bakit ganon?
Nagiging linya na ng mga desperado na mawawala ang pagmamahal niya kung patuloy na ito ay ipag wawalang bahala. Ngunit totoo nga bang nawawala ito? Sa tingin ko hindi. Kung nawawala ang nararamdaman mo, bakit may mga tao ma hindi makabangon mula sa pagkakalugmok ng siya ay iwanan ng kanyang minamahal? Bakit may mga bagay na nagpapaalala parin sa kanya? Bakit kahit lumipas na ang matagal na panahon ay may naiiwan parin sa iyong damdamin dulot niya, ito man ay pagkagiliw o pagka inis?
Hindi ka maka-move on kasi mahal mo pa siya? Naka-move on kana kasi hindi mo na siya mahal?
Oo, aminin na natin na may bago kang pag-ibih. Ibig sabihin ba noon ay nawala na ang pagmamahal mo sa kanya? Galit ka ba o masaya tuwing nakikita mo o naaalala mo siya? Kahit alin ang isagot mo diyan, sa aking pananaw ay hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya. Maaring nagkaroon ka nga ng bago at ito ang pumalit. Pero sa tingin ko ay hindi ito napalitan bagkos ay nahigitan lang nito ang dati mong nadarama. Yaong bakas ng nakaraan ay mananatili na diyan sa iyong puso, hindi mawawala, hindi mabubura kung hindi ay mahihigatn lamang ng pagmamahal na kasalukuyan mong nararamdaman.
Salamat sa pagbasa mo. Maari kang mag iwan ng kumento kung may maidaragdag k pang saloobin.
Ser Jay shares simple stories and lessons for out-of-school youth and adult learners. Dito mo mababasa ang tips, motivation, at personal kwento tungkol sa pag-aaral, buhay, at mga bagay na makakatulong sa araw-araw.
Post you may want to read
-
Cycling enthusiasts are aware that there is a vast choice of cycling equipment to pick from. To figure out what you'll need, you'll...
-
The Benefits of a Successful Investment Investing in stocks is one of the best ways to make the most out of the market. But, there are som...
-
ALS RPL Based Learning Activity Sheets Activity 1 - LS 3 – Mathematical ang Problem Solving Skills
-
Blogging is a perfect way for people to share their thoughts with others. When people blog, it means they keep an updated online journal...
-
Kung gusto mong makipag-ugnayan, maaari mo akong ma-reach sa: 📧 Email: serjay2018@gmail.com O sa aming soical media accounts
No comments:
Post a Comment