Mga Balangkas na Maaaring Gawin upang makabuo ng Talata - "TANONG - TANONG"

Kung gagawa ka ng talata o sanaysay ngunit nahihirapan kang bumuo nito, maaari kang gumawa ng balangkas upang maging maayos ang iyong pagsulat. Narito ang isa sa mga balangkas na ginagamit namin tuwing sumusulat kami ng sanaysay.

 TANONG -TANONG

Kung bibigyan ka ng pamagat ng talata, kailangang alam mo ang paksa. Dito ka mag-uumpisa ng pagtatanong at ikaw rin ang sasagot.

Halimbawa

Pamagat : Ang Pagkasira ng Kalikasan

Narito ang maaari mong gawing tanong sa iyong balangkas. Lahat ng tanong mo ay ikaw rin ang sasagot, Maaari mo itong ng sagutin ng isa odalawang pangungusap.

  • Ano ang kalikasan? Ang kalikasan ay pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
  • Ano ang nangyayari sa kalikasan? Nasisira na ito.
  • Bakit nasisira ang kalikasan? Sobrang pagkuha ng likas na yaman.Ginagawang subdibisyon.Ginagawang tapunan ng basura ang ilog at dagat.
  • Ano ang dapat gawin? Ihiwalay at itapon ang mga basura sa tamang tapunan. Lahat ng mapapakinabangan ay i-resiklo.

Ngayon, Maari mo ng isulat ng maayos ang iyong ginawang balangkas. maari mo pa itong madagdagan dahil habang sumusulat ka ay may maidaragdag ka pa. Kakailanganin mong gumamit ng mga pang-ugnay upang maging magkatugma ang bawat pangungusap sa iyong talata.

Narito ang ginawa kong balangkas na isinulat ko ng pa-talata.

Ang Pagkasira ng Kalikasan

Ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng mga tao. Dito natin kinukuha ang ating pagkain sa araw araw, damit na isinusuot, tahanan na ating tinutuluyan at iba pang pangangailangan ng tao. 

Subalit sa hindi tama at mayos na paraan ng pagkuha dito, unti unting nasisira ang ating kalikasan. Nauubos ang mga kagubatan dahil sa pagtatayo ng malalaki at malalawak na subdibisyon. Ang mga ilog at dagat ay ginagawang tapunan ng basura dahilan upang hindi na makapagbigay ng masaganang huli ng mga yamang-tubig. 

Ilan lamang iyan sa aking napupunang pagkasira ng ating kalikasan kung kaya ako bilang isang mamamayan, tutulong ako sa abot ng aking makakaya upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Sa simpleng paghihiwalay at pagtatapon sa tamang lugar ng mga basura ay makakatulong na ako. Ang mga plastic at bote na maaari pang pakinabangan ay aking ire-resiklo. Ilan lamang sa mga bagay na maaari kong maitulong upang hindi na masira ang ating kalikasan sapagkat kung wala ang ating kalikasan ay wala rin tayong ikabubuhay.

Iyan ang isang halimbawa kung paano gamitin ang balangkas na tanong-tanong. Sana ay makatulong ito sa iyo.

Kung nais mo pang mahasa ang iyong kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ay maaari mong panoorin ang video na eto



Maaari kang mag-iwan ng kumento upang lalo pa nating mapag-buti amg pagsulat. Salamt sa iyong pagbasa.

1 comment:

Unknown said...

halimbawa ng balangkas na papaksa ?

Post a Comment

Post you may want to read