"if you can not save 100 from 1000, you cannot save 10000 from 100,000.00"
Lately ko lang nalaman ang mga paraan upang makaipon buhat ng magkaroon ako ng sariling pamilya. Para bang lahat ng earnings ko, dapat mapunta sa kanila. Ngunit isa lang ako sa mga minimum wage earners at sapat lang ang aking kinikita sa gastusin namin. Pumapasom nalang sa isip ko paano pala kung magkaroon ng emergency? saan ako kukuha ng panggastos? Kaya natuto akong magbasa ng mga articles tungkol sa financial management at nalaman ko na may mga bagay pala akong ginagawa dati pa na paraan ng pag iipon. ang nasa isip ko kasi pag mag iipon ka, dapat malaki, dapat umaabot ng 6 digits.
Narito ang ilan sa mga ginagawa ko para makaipon.
1. Savings Account. Buhat ng magkatrabaho ako ay nag si-save ako ng 500 twing araw ng sweldo. Lumalaki naman yung savings ko, kaya lang pag nangangailangan ako ay nakukuha ko rin. yan pala yung tinatawag na emergency fund. Di ko alam dati yun.
2. Barya. Aminin natin na parati tayong may barya. ang ginagawa ko, twing may barya ako pag uwi ko ng bahay ay inilalagay ko ito sa drawer. andun lang sya, minsan dba, yung budget natin pang isang bwan ay hindi umaabot? pag wala na akong pamasahe, naiisip ko yung mga barya sa drawer at nakakatulong ito upang umabot hangang sa susunod na sweldo.😅
3. Alkansya. Bukod sa mga barya na nilalagay ko sa drawer, nag huhulog din ako sa alkansya. Ito ay ginagawa ko buong taon buhat ng magka trabaho ako. ang mga naipon ko dito ay ginagamit ko tuwing Christmas party. Parati kasi kaming may Family Reunion kaya yung mga barya ay paagaw ko sa mga bata. Uma-attend din ako ng party ng barangay kay may pag hagis ako sa mga batang nakikisaya doon. Gawi ko na yun at wala akong balak itigil. Sa ganong paraan, nakakapag pasaya ako ng mga bata kahit sa kaunting tulong at oras lang na naibigay ko.
4. Bente Pesos. Meron din akong "twenty peso challenge" sa sarili ko. araw araw ay nag tatabi ako ng 20 pesos at pag naipon ko yun, isinasabay ko sa paghuhulog ko sa aking savings account. yun yung dinudukot ko pag kailangang kailangan.
5. Disiplina sa sarili. Kahit anong laki pa ng kinikita natin o anong sipag natin sa pag iipon, kung wala tayong didiplina sa sarili ay hindi talaga tayo makakaipon. aminado naman ako na hindi ako mayaman "pa" at alam ko rin sa sarili ko na hindi ko pa kayang bilhin ang mga bagay na gusto kong bilhin pero sa mga paraan ko na iyan ay masasabi ko na hindi ako nahihirapang mag budget.
Sa lahat ng mga natututunan ko sa twing mag babasa ako ng mga articles sa pag hawak ng salapi ay nai-inspire ako na lalo pang mag-ipon para sa aking mag-ina. iyong tipong kahit hindi kami magkaroon ng sariling bahay pa ay hindi kami magugutom. kung magkaroon man ng sakit, ay hindi kami mamomroblema dahil may panggastos kami para dun. at higit sa lahat ay para sa aming anak na maging maalwan ang kanyang pag laki upang mapag-aral ko siya ng maayos.
sana ay nakatulong ang aking sinulat sa iyo. ang pag iipon ko ay hindi pag papayaman. ito ay para lamang sa pantawid kung sakaling ang swledo ko ay malayo pa ang dating. sa mga susunod kong isusulat ay ibabahagi ko kung ano-ano ang mga maliliit na investments ko para pandagdag kita.
Ser Jay shares simple stories and lessons for out-of-school youth and adult learners. Dito mo mababasa ang tips, motivation, at personal kwento tungkol sa pag-aaral, buhay, at mga bagay na makakatulong sa araw-araw.
Post you may want to read
-
Cycling enthusiasts are aware that there is a vast choice of cycling equipment to pick from. To figure out what you'll need, you'll...
-
The Benefits of a Successful Investment Investing in stocks is one of the best ways to make the most out of the market. But, there are som...
-
ALS RPL Based Learning Activity Sheets Activity 1 - LS 3 – Mathematical ang Problem Solving Skills
-
Blogging is a perfect way for people to share their thoughts with others. When people blog, it means they keep an updated online journal...
-
Kung gusto mong makipag-ugnayan, maaari mo akong ma-reach sa: 📧 Email: serjay2018@gmail.com O sa aming soical media accounts
No comments:
Post a Comment