Maraming ALS learners ang nauulit ang parehong pagkakamali na nagiging dahilan ng paghinto. Sa artikulong ito, malalaman mo ang limang common mistakes at kung paano ito maiiwasan para masigurong matatapos mo ang iyong ALS journey.
Ang Alternative Learning System (ALS) ay parang second chance. Para ito sa mga out-of-school youth at adult learners na hindi nakatapos sa regular school pero gusto pa ring makuha ang diploma. Maganda ang layunin, pero hindi lahat ng nagsisimula ay natatapos.
Bilang teacher na ilang taon nang nasa ALS, nakita ko na hindi dahil sa talino o galing bumabagsak ang learners. Kadalasan, dahil ito sa mga simpleng pagkakamali na paulit-ulit nilang ginagawa. Ang masakit, pwedeng iwasan ang mga ito kung may tamang diskarte.
Sa article na ito, pag-uusapan natin ang 5 karaniwang pagkakamali ng ALS learners. Ipaliwanag ko muna ang general idea, tapos bibigyan kita ng totoong scenario, at huli ay practical solution na pwede mong gawin agad.
Kung seryoso ka na makapasa at magtuloy sa Senior High o College, basahin mo ito hanggang dulo.
Mistake #1: Hindi regular na umaattend
Ang ALS ay flexible, oo, pero hindi ibig sabihin pwede kang pumasok kung kailan mo lang gusto. Maraming learners ang nagsisimula nang ganado pero unti-unting nauubos ang gana. Ang resulta, hindi nila nakukuha lahat ng lessons at nahihirapan silang humabol.
Scenarios
-
Si Rodel, isang construction worker, pumapasok lang kapag walang overtime. Dahil dito, hindi niya nasundan ang buong lesson sa Math. Sa exam, hindi niya maintindihan ang word problems kasi hindi solid ang foundation niya.
-
Si Mina, may dalawang anak, uma-attend lang kapag may kasama siyang friend. Noong nag-stop ang kaibigan niya, pati siya hindi na pumasok.
-
May ilan ding learners na pumapasok tuwing malapit na ang test, iniisip nila kaya na nilang habulin. Pero ang ALS ay hindi parang crash course, kailangan consistent.
Solution
-
Gumawa ng simple study schedule. Kahit dalawang araw lang sa isang linggo basta tuloy-tuloy.
-
Kung may conflict, humingi ng learning packet sa teacher at siguraduhin mong babalikan agad.
-
Tandaan: mas madaling maglaan ng regular oras kaysa humabol ng sangkatutak na lesson bago ang exam.
Mistake #2: Umaasa lang sa modules, walang sariling review
Ang module ay gabay, pero hindi siya sapat. May learners na nakukuntento sa pagkopya ng sagot o mabilis na pagsagot para lang matapos. Ang problema, kapag ibang format na ang tanong, hindi nila alam paano sagutin.
Scenarios
-
Si Maricel mabilis magsagot ng module. Pero noong quiz, hindi siya makasagot kasi memorized lang niya ang format ng tanong, hindi ang konsepto.
-
May learner na bumili pa ng “answer key” online, inakala niyang shortcut iyon. Pero sa exam, bagsak siya kasi wala siyang sariling understanding.
-
May isa ring grupo ng learners na sabay-sabay sumasagot, nagsheshare ng sagot sa isa’t isa. Maganda kung collaboration, pero hindi pwedeng kopyahan lang.
Solution
-
Gumawa ng sariling reviewer habang nagsasagot ng module. Isulat ang definition at example sa sarili mong salita.
-
Gumamit YouTube tutorials para dagdag kaalaman.
-
Mag-set ng weekly self-quiz. Kahit 10 questions lang, malaking tulong na.
Mistake #3: Nahihiyang magtanong
Sa kultura ng Pinoy, kadalasan iniisip natin na nakakahiya magtanong. Pero sa pag-aaral, ang hindi pagtatanong ang mas malaking pagkakamali.
Scenarios
-
Si Jun-jun ay laging tahimik. Noong tinawag siya para magsolve ng fraction, hindi niya alam paano magsimula. Pagkatapos, sinabi niya, “Sir, nahihiya kasi ako.”
-
Si Ella, sanay sa trabaho bilang cashier, nahihiya magtanong kasi baka isipin ng mas bata na learners na mahina siya.
-
May learner ding ayaw magtanong kasi iniisip niya makakabagal sa klase. Pero dahil doon, dumami ang bagay na hindi niya naintindihan.
Solution
-
Tandaan: walang masamang tanong sa klase. Mas nakakahiya kung bumagsak dahil hindi ka nagtatanong.
-
Gumawa ng listahan ng tanong habang nag-aaral sa bahay, tapos itanong lahat sa teacher sa susunod na session.
-
Mag-practice ng peer learning, magtanungan sa kapwa learner.
Mistake #4: Hindi maayos ang balanse ng trabaho, pamilya, at pag-aaral
Karamihan ng ALS learners ay may trabaho o may pamilyang inaasikaso. Dahil dito, madalas silang late, absent, o wala sa focus kapag nasa klase.
Scenarios
-
Si Ana, may dalawang anak, pumapasok sa klase nang sobrang pagod. Minsan natutulog na lang siya habang nagdi-discuss ako.
-
Si Leo, nagtitinda sa palengke. Pag sobrang dami ng benta, hindi siya pumapasok. Ang problema, tatlong linggo siyang nawala at hindi na makahabol.
-
Si Mary Ann, tumutulong sa magulang sa bahay. Kapag may gawaing-bahay, ALS ang isinasakripisyo.
Solution
-
Gumamit ng planner o notebook para i-schedule ang oras ng trabaho, pamilya, at pag-aaral.
-
Huwag pilitin lahat sa isang araw. Mas mabisa ang maliit pero consistent na effort.
-
Makipag-usap sa pamilya para makakuha ng support.
Mistake #5: Nawawalan ng gana kapag may hirap
Normal na mahirapan. Pero may learners na sa unang bagsak pa lang, sumusuko na.
Scenarios
-
Si Joseph bumagsak sa unang A&E test. Halos hindi na bumalik. Pero noong nag-review ulit at tinake ulit, pumasa siya.
-
May learner akong naiyak noong hindi niya ma-solve ang long division. Akala niya hanggang doon na lang siya. Pero noong nagpractice araw-araw, nakaya niya rin.
-
Si Mark muntik nang huminto kasi sabi ng iba, “Matanda ka na, wag ka na mag-ALS.” Mabuti na lang hindi siya nakinig, at ngayon enrolled na siya sa college.
Solution
-
Isipin ang failure bilang lesson, hindi katapusan.
-
Humanap ng inspirasyon sa mga kwento ng learners na nagtagumpay.
-
Lagi mong balikan ang dahilan kung bakit ka nagsimula.
Kung nakikita mo ang sarili mo sa mga pagkakamaling ito, tandaan mo: hindi pa huli ang lahat. Ang ALS ay para sa mga taong ayaw sumuko. Ang mahalaga, natututo ka at inaayos mo ang diskarte mo.
Normal magkamali. Ang tanong, handa ka bang matuto at magpatuloy?
No comments:
Post a Comment