Maraming learners ang nahihirapan kapag pinaghalo na ang fractions at decimals. Pero kung titignan mo, magkadikit lang talaga sila. Ang fraction ay isang bahagi ng kabuuan, habang ang decimal ay isa ring paraan ng pagpapakita ng fraction.
Halimbawa:
-
Ang ½ ay kapareho lang ng 0.5
-
Ang ¼ ay katumbas ng 0.25
-
Ang ¾ ay pareho ng 0.75
Step 1: Paano gawing decimal ang fraction?
Hatiin mo lang ang numerator (itaas) sa denominator (ibaba).
-
Halimbawa: 3/4 → 3 ÷ 4 = 0.75
Step 2: Paano gawing fraction ang decimal?
Tingnan mo ang decimal place.
-
Halimbawa: 0.6 → nasa tenths place, kaya fraction niya ay 6/10 o simplified na 3/5.
-
Halimbawa: 0.125 → nasa thousandths place, kaya fraction niya ay 125/1000 o simplified na 1/8.
Practical Example:
Kung bibili ka ng 1.5 kilo ng bigas, pwede mo rin siyang isipin na 1 ½ kilo. Kung may sale na 0.25 kg ng kape, pareho lang yun ng ¼ kilo. Nakikita mo? Parehong gamit sa tunay na buhay.
Quiz Time!
👉 Click here to take the quiz: Fraction and Decimals Quiz
Paano Gamitin ang Quiz na Ito
Maglaan ng 10–15 minutes.
Sagutan nang walang calculator kung kaya.
Pagkatapos, i-check ang sagot at balikan ang mga mali.
👉 Sagutan mo ang quiz dito: Math Quiz

No comments:
Post a Comment